Monday, September 5, 2011
First impressions never last
Unang attitude pa lang na pinakita nya sakin, hindi ko na agad nagustuhan. Ka group ko sya sa duty, at isa sya mga nagpaparamdam sakin na outcast ako sa kanila. tipong katabi nya na lang ako, hindi nya pa iabot yung attendance tutal ako naman yung malapit sa kanya. iaaabot nya pa din yun sa pinaka malayong tao mula sa kanya. well, hindi naman yun naging dahilan para kasuklaman ko sya at gantihan. Pero naging dahilan yun para obserbahan ko yung kilos nya kung ganun ba talaga sya. Hanggang sa hindi lang ako nakapansin ng malamig nyang pakikisama sa iba. dumami na ang nakatinging mata sa kanya. Sya yung tipo ng taong mataas ang pride at tingin sa sarili. Hindi rin sya yung tipo ng tao na palangiti.
Nagulat ako sa kanya kanina, tinanong nya ko kung san ako dumadaan at kung alam ko kung san yung bluementritt sabi ko nadadaanan ko yun at nagsabi sya na sabay daw kami. Iniisip ko pa lang na makakasabay ko sya, naiilang na ko iniisip ko kung may mapag uusapan naman ba kami o kung anung mga kkwento ko, maalis lang ang awkward moment. Hanggang sa natapos nga ang orientation, palabas ng compound ng sampaloc, pabor syang lakarin lang namin, umpisa pa lang ng lakaran ang dami na naming napag usapan hindi ako naiilang.. sige din ang bato ko ng kwento sa kanya. hanggang sa nakasakay na kami ng jeep, lalo ko syang nakilala about sa pamilya nya, sa kanya, sa mga ayaw at gusto nya sa naging sa love life nya. Nagka relate-an kami sa nararamdaman! hahaha yung tipong goosebumps .. XD dahil dun natuwa sya sakin dahil naiintindihan ko sya, nalaman ko din kung saan sya lumaki, bakit sya nag transffer, yung nangyari sa pamilya nya. Aminado din sya na mataas ang pride nya kaya nga hindi rin sila nagkakasundo ng mama nya. lalo nat hindi naman din pala sya lumaki kasama yun. 4yrs pa lang daw silang magkakilala ng mama nya at lumaki sya sa piling ng kaibigan ng mama nya. Matagal ng hiwalay ang parents nya pero parehong walang asawa. wala din syang kapatid so mag isa lang sya sa bahay kapag wala mama nya lalo nat madalas din yung wala dahil sa trabaho kya sya yung bibili ng sarili nyang pagkain. Nagulat pa nga ko ng hindi nya na lang ipaabot yung sukli.. pumunta pa talaga sya sa harap ng jeep maiabot lang. tinanong ko sya kung bakit.. sabi nya ayaw nya daw kasi ng may nagpapaabot kaya sya na lang daw tutal ayaw din daw nya ng ginaganon. hahhaha grabeh talaga sya. at least pinapractice nya ang golden rule :P .. pagbaba ng jeep napag desisyunan naming ituloy na lang ang paglakad hanggang sa terminal. Nagulat sya sakin kasi alam ko yung pasikot sikot. (hindi lang sya matandain sa lugar kaya kala nya ang galing ko na.)
Hindi kami naubusan ng kwento. Bitin pa nga yung halos 30 minutes naming lakad. parang tinour ko na sya sa Sta cruz. Sa mahigit na isang oras naming pagkakasama, naintindihan ko sya, okei naman pala syang kasama. pinapakita nya lang kasi yung mga bagay na gusto nyang ipakita, hindi yung nasa puso nya. Siguro hindi lang sya sanay na ganun. Nagulat din ako na hindi sya naiilang sakin. Pagtatawid kami hinahawakan nya pa ko at sinasabing sya bahala sakin. what a sweet friend. Sabi nya sabay na lang daw ulit kami sa pag uwi sa duty! pabor yun saming dalawa kasi parehas kaming walang kasama pauwi gabi pa naman yun.Nung maghiwalay na yung landas namin, nagtxt pa sya sakin. at nabitin naman ako sa pagkkwentuhan namin.! Napatunayan kong first impression never last. Huwag kang mang huhusga ng tao kung hindi mo pa talaga sya kilala. Ayun.. natuwa talaga ko sa kanya.. sana gumaling na mama mo sa breast cancer nya sana mababang stage lang
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

No comments:
Post a Comment