Wednesday, August 10, 2011

For the Second time...

        Hayz! 10:00am na ng gisingin akO ni mama dahil aalis sila ni Rashid para pumuntang LTO. Dahil sa dysmenorrhea ang sama ng pakiramdam ko. Sobrang sakit talaga palibhasa medyo delay ng 14days. Binigyan ako ni mama ng budget na 300 para bumili ng uulamin namin in short pinapupunta pa nya kong Sampol ayoko pa naman sanag lumayas ngaun.. Natapos akong gumayak ng 11:00 kaya naman nagmamadali na kong umalis ng bahay. Ginamit ni mama yung relo ko kaya dinala ko na lang ung cp ko, na hindi ko naman palaging dinadala. Bago sumakay ng tricycle, tinignan ko pa sa cp ko kung anung oras na. pag dating sa Sampol, nagtagal pa ko sa loob ng tricycle para kuhain yung sukli. Dahil sa pagmamadali, nung nasa Ever na ko, tska ko lang nakapa yung cp ko na wala na pala sa bulsa ko, "nahulog ko sa tricycle,!kaso san ko pa hahanapin yung driver at yung tricycle na yun?".. sa isip isip ko. pinagpatuloy ko pa din yung paglalakad at kalmado pa din ako. parang natanggap ko na agad na wala na yung cp na yun! ganun naman ako palagi.. nawawalan na ng pag asa agad, base on experience kasi.. karamihan sa nawala kong cp.. hindi na nakakabalik. Binilisan ko na lang yung lakad ko, hanggang sa makarating na ko sa baba ng Iglesia para bumili chooks to go, mas mapapadali kasi kung hindi na ko magluluto, wala na ring oras. Pagkatapos nun, balik ulit ako sa Jollibee para sa pinaguutos ni mama na dun ko na lang bilihan ng lunch si Nenel. That time natataranta na ko, nawala nga sa isip ko kung sinuklian na ba ko o hindi. tapos sa Mercury na lang ako nag groccery. Nagkanda tapon tapon na nga yung softdrinks sa pagmamadali ko. Hindi ko na ininda yung init at tagaktak na pawis at gulo gulo kong buhok.Balik ulit ako sa Vilma, dun ako tumawag sa pay phone, kinakabahan na ko kung mag riring pa o hindi hanggang sa nag ring pa, "sana sagutin!" hanggang sa pangalawang ring.. wala pa ding sumasagot.
      Nagpasya na kong puntahan na lang si Nenel dahil lunch break na din nila. Pagtawag ko ng tricycle at pagsakay ko, "parang pamilyar yung tricycle?eto rin yung nasakyan ko kanina?" pag baba ko sa eskwelahan, tinanong ko yung driver, "kuya, kaw ba yung nasakyan ko kanina? may nakita po ba kayong cellphone dito?" sabi naman ni kuya, "ah eh, wala eh.. madami na din akong naging pasahero kanina, taga purok 8 din yung sumunod sayo tatanungin na lang daw nya sa pasahero".. nawalan na talaga ko ng pag asa. Pagtapos kong ihatid yung pagkain ni nenel, punta agad ako kila mommy para makitxt kay mama na nawawala yung cp ko. Tinanong ni Kuya Paul kung anung itsura ng driver, sabi ko.. mukhang bisaya kuya, mga nasa 30's o 40's na.. "baka sa kuya Erwin yun, pinsan ni kuya Potch?" sabi nya. Ayun, sinamahan na ko ni mommy sa Vilma. Hinintay namin yung tricycle driver mga isang oras din kaming naghintay hanggang sa nagdesisyon kami na kila kuya Potch na dumirekta. Pag dating sa baba nakasalubong namin yung tricyle driver at kinausap nga sya ni mommy. "kuya may nakita po ba kayong cellphone? nanay ako ni paul, diba pinsan mo si Potch?taga purok 8 din kami" sabi naman ng driver "eh kasi may nakasakay din akong taga purok 8 hayaan nyo pupuntahan ko mamaya." mga ilang hakbang pa sa pilahan ng tricycle sabi ng kabayo nila kung tawagin, nakita nya daw yung cp ko, sabi pa nga daw nya dun sa driver "uy may cellphone oh! kunin mo na yan hanggat wala pang nakakakuha" sa madaling salita, nasa driver nga ang cellphone ko... confirmed! sabi ba nung kabayO, ako titistigo pag hindi sya umamin. Siguro nahiya na lang umamin yung driver sa maitim nya sanang balak. At nagawa nya siguro sakin yun kasi hindi nya ko kilala na kilala ko pala si kuya potch at pinsan ako ni kuya Paul. Maganda din pala talaga kung may koneksyon ka... Natouch naman ako kay mama, nagreply kasi sa txt ko at malayo sa inaasahan kong irereply nya.. sabagay tuwing nakakawala naman ako, wala namang sermon.. sabi nya "natatandaan mo yung sinakyan mong traysikel? wala na un, pinaginteresan na un. ok lng basta hindi ikaw ang nahulog o nawala".. hahha oh db! ? kaya pag nakakawala ako ng gamit, kalmado lang ako eh, konsensya lang bumabagabag sakin dahil yung pinambili dun pinaghirapan din kitain ni ama..
   Para sureness talagang maibalik pumunta na nga kami kila kuya potch gaya ng plano. Sinabi namin yung nangyari. Tinawagan agad sya ni kuya potch at ganun nga din yung sinabi ng driver sa kanya. kukunin na lang daw nya sa pasahero nya kanina. Ayun, nagpasalamat na kami kay kuya Potch. Pagdating sa bahay, habang kumakain ako, sinisigaw na ni kuya potch yung pangalan kO! at winawagayway nya na yung cp ko! ako namang naglululundag sa tuwa! sabi ni kuya "sabi ko sayo hindi magsisinungaling yun sakin eh!" hayzz.. kala ko hindi na mababalik cp ko! Malamang kilala na ko ng mga tricycle driver! sobrang exposure kanina.. pero ang babait nilang lahat.. nakakatuwang may concern sila sa katulad kO! at para sa mga tambay sa eskwelahan kanina na nang aasar sa pagkawala ng cp ko,. sorry kayO! nabalik sakin! Salamat ng madami sa driver, kay kuya Potch at lalong lalo na kay mommy! pasensya na at gulaman na lang ang nalibre ko.. wala na kong pera eh! :) wata day! happy birthday Jomalyn (yeyen)

No comments:

Post a Comment

Total Pageviews