Sunday, June 5, 2011

Untold Story..



     Naalala ko bigla ang elementary days kO.. siguro kasi nakikita ko sa wall ko ang dati kong bestfriend at ang valedictorian namin tapos inadd pa ko ng crush ko dati.. parehas pala sila ngaung nag aaral ng  dati kong bestfriend sa UST pero magkaiba ng course..
Sa totoo lang ayokong maalala yung mga paulette days.. ewan ko ba parang nag iwan sakin yung school na yun ng bitter memories.. pero to be specific yung mga tao siguro dun especially mga classmate ko. Hmmm kung tutuusin may mga masasayang alaala din naman.. Nagsimula kong pumasok sa school na yun grade 2 ako, nag grade 1 lang ako sa BBF tapos nilipat din ako nila mama una pa nga kaming nag inquire nun sa Colegio.. pero hindi ko na matandaan kung bakit hindi ako dun tumuloy. Hanggang sa nauwi nga ako sa Paulette.. kakabukas lang ng school na yun noon so kami ang mga pioneer ng mga batch ko. Corinthians, Thessalonians, Galatians, Philippians, at Timothy ang mga naging section ko nun.. Ang hindi ko lang din matandaan, bakit wala akong class picture ng Grade 4 at Grade 5..? Suki ako ng Area H sa lakwatsahan! palagi kaming nag pplaystation kila Julienne.. peyborit kong laruin nun yung Crash bandicOt .. Pinakamalayo kong napaglakwatsahan nun na takot na takot talaga ko sa Rd. 2 .. ang layo na sakin nun dati.. Grade 3 ako unang nagkaroon ng cp, motorola pa nga ang brand tapos card pa lang ang load.. sagot pa nila mama load ko nun.
   
     Si E.J simulat simula pa lang sya na talaga kalaban ko sa top! hahah palagi kaming nag uunahan sa top1. hindi lang ata kami sa loob ng room magkalaban, palagi din kaming nagtutuksuhan sa labas ng paaralan.Muntik ko nang makalimutan si Hideki.. kalaban ko din sya sa top pero crush ko.. pero ewan ko ba sa tuwing may bestfriend ako pareho kami lagi ng crush. kaso nag tranfer din yung bestfriend ko nun kaya na meet ko ang tatlo ko pang naging bestfriend.. Uso ang sulatan kaya ngaun ang dami kong mga nakatagong sulat kahit wasak wasak na yung iba. Manhater din ako dati palagi kong pisikal na sinasaktan ang mga lalaki.. minsan pa nga napatawag ako sa guidance dahil sa brutal na ginawa ko kay Michael! (sikreto na lang kung anung ginawa ko! ^-^ ). Pinaka nakakatuwang naaalala ko nun, na hindi naman dapat pagkatuwan nung maihi, matae yung mga classmate ko.. (sikreto na lang yung mga name!) hahhah ang layO kasi ng CR nun, sa underground kasi yung room namin nung grade 4 kaya aakyat kapa ng hagdan. Ang lawak ng palyground namin nun, agawan base ang paboritong laruin ng section namin. dati puro graba pa yung nandun ngaun isa na syang stage. Hindi ko na din alam kung anung itsura ng school ngaun. Huli kong punta highschool pa ko.
    
     Naalala ko pa nun, malapit na foundation day so siniset up ang stage. puro skeleton na bakal pa lang yung mga nakatayo.. bilang bata pinaglaruan ko yun, tumulay tulay ako at ayun nalaglag.. humampas yung mukha ko sa bakal hahhaah! kala mo may beke ako nun! Hatid sundo pa ko ng sasakyan namin noon kaya nung pagka sundo sakin galit na galit si mama. Mahilig din ako sumali sa mga contest nun! halos lahat ng contest sinasalihan ko, Story telling (si Alitaptap at si paru-paro), declamation (Friends, Romans, Countrymen ni William Shakespear, The First day of Creation) Spelling bee, Quiz bee, Slogan making.. etc. pero ang kahiya hiya kong ginawa sa harap ng stage ay ang pag gaya sa hotdog commercial noon! (he loves me, he loves me not..) haiiizzt! :)
    
     Bitter memories, Nagsimula ata yun nung grade 5? or 6? naranasan ko pagkaisahan ng buong section.. tipong binaback stab ka nila. Pagkaharap mo ang gaganda ng sinasabi sayo tapos pagtalikod mo iba. Nagka issue kasi nun,  (eto ata ang pinaka dark secret ko..) pano mo gagawin ang isang krimen kung wala ka nun? Tapos alam ko namang ako yung pinag uusapan nila pero pag kinausap mo iibahin yung usapan.. kahit mga bestfriend mo hindi ka pinaniniwalaan. Iyak ako ng iyak palagi .. pati mga bestfriend ko hindi ako kinakausap.. lonely ako nun sa school alone ako palagi.. na trauma ata ko dahil dun kaya lahat ng tao siguro pinapakisamahan ko ngaun.
    
     Hanggang ngaun dala ko pa din yung mga bitter memories kaya siguro feeling ko naiiba ko sa mga classmate ko na yun! Hindi man lang nila ko inaadd sa facebook! at asa naman silang iadd kO sila.. mga snobbish.. hmp! Nagpapasalamat na rin ako at sa Trade ako nag aral.. nangako pa ko nun na babalik ako sa Paulette pero nung pinapili ako para mag transfer,.. minahal ko na ang Trade at ang mga tao dito..

No comments:

Post a Comment

Total Pageviews