Tuesday, June 28, 2011

Happy fiesta Bagong silang San Pedro Laguna..

       Iba talaga ang kasiyahang nadudulot sakin ng Laguna.. May pa lang pinaplano ko ng pumunta sa Fiesta doon.. hanggang sa dumating na nga ang araw ng June 26 nagulat ako ng puntahan ako sa bahay ng pinsan ko at tinatanong kung sasama daw ba ko sa Laguna.. akala ko hindi na ko makakapunta kasi wala namang nagpaparamdam na pupunta dun. Isa pa hindi ako pinayagan sa dahilan na kagagaling ko lang sa sakit.. pero hindi sila umubra sa tigas ng ulo ko.. :) Nagbihis agad ako dahil aalis na daw kami buti at nakaligo na rin ako. 4pm na kami ng umalis dito at nakarating kami ng 7pm doon.
       Pag dating sa Laguna,sa sala agad kami tumuloy matapos mag mano sa mga tito at tita. At syempre pinuntahan din namin si kuya von sa sulok ng bahay nila. Naalala ko na naman sya.. malapit pa lang kasi ang fiesta kukulitin na kami nun na pumunta, last year hindi ako nakapunta kasi saktong provincial duty namin nun sa Batangas.. sakto naman ngaun wala kong pasok ng Monday-Wednesday kaya nakasama ko. Bonus pa palang nakita ko yung crush ko na magaling magbasketball.. pero hindi ko na nakita si Guardian angel.. nag asawa na sya.. Pagtapos namin kainin ang manok na alaga ni kuya von (45days) pumunta kami sa plaza. Nanuod kami ng mga talent at Mr. feeling pogi. Lugi ka pag maliit ka.. hindi mo makikita ang mga performance kaya nagdala si kuya ng bangko para samin. Grabeh! hindi ko inaasahang ganun kagagaling yung mga talent kala ko wala lang. May tumambling pa sa ere na napakataas, nasira nya pa yung banderitas kasi naabot nya pa yun. kala tuloy namin masama pag bagsak nya pero na keri nya pa din! Natuwa naman ako sa I will always love you ni Whitney Houston.. ginawa nilang interpretative dance na horror! tawa talaga ko ng tawa! May nag ala tribal dancers pa at nakipagsayawan din sa apoy. Pero ang pinakanagpaiyak tawa sakin eh yung dancer na kamukha ni kuya! as in kamukha nya talaga at may salamin din.. todo sigaw nga kami magpipinsan ng "bon-bon" eh. at dahil jan nalungkot na naman kami. Isa na namang masayang okasyOn na pinapalungkot ng kawalan ng presensya nya.
       Alas dose na ng gabi ng umuwi kami.. nagyaya naman si ate Jul na kila kuya Phillip kami matulog.. kaya naglakad pa kami sa taas, papuntang ministop kasi dun lang yung sakayan papunta sa kanila. Ang problema, wala pala kaming dalang pera! sakto lang talaga pamashe namin sa jeep. Kaya naglakad na naman kami papasok sa kanila kasi hindi na namin afford ang tricycle. Antok na antok at pagod na pagod na rin ako nun.. ang lamig pa sa labas. Pag dating kila kuya, pinagluto nya pa kami kaya kumain muna kami bago matulog.. madaling araw na yun. Sa higaan, hindi naman kami maubusan ni ate Julie ng kwento, palibhasang ngayon na lang ulit kami nagkita kaya naipon na ang mga bagay bagay. Magliliwanag na nung pinagpasyahan naming matulog dahil nakapangako din kami kila kuya Froi na maaga kaming babalik sa kanila. Sa kasamaang palad, alas dose na rin ng makabalik kami :) Naghihiwa na sila ng mga gagamitin sa pagluluto.
      Kinahapunan, nag umpisa na ang palaro.. Basagan ng palayok at saluhan itlog. Hindi ako nakasali kasi naliligo kami ni ate Jul ng mga panahong yon. Tawa na naman kami ng tawa sa saluhang itlog.. palayo kasi ng palayo yung distansya para masalo mo yung itlog. Hanggang sa isa isa nang na oout ang mga kasali. Free mabasag ang itlog sa mukha o katawan mo pag hindi mo nasalo! ^-^ Kami kami lang pero ang saya na! ang daming kapit bahay na nanunuod samin. Nag costume pa si Tito Bernie ng Spiderman at nagtutumalon sa gate habang nagpeperform yung mga ati atihan. Live show ang pagbuga ng apoy ng mga bekimon. At nag umpisa na ang session. Ang isang hindi mawawala dito sa Laguna, ay ang sunog bagang Alak. Himala kung mapapatumba mo ang alak dito since may supplier sila ng tangke ng alak. Hard sa mga lalaki at red wine lang sa mga babae. Unang tikim ko ata ng alak eh dito ata sa Laguna. Birthday yun ni kuya von Gin pa unang una kong nainom nasarapan naman ako kasi may halong juice. Nung 40 days nya din nag session na naman kami Maria Clara na naman yun tapos ngaun ganun ulit. Light sya pero tinatamaan ako, halata mong may tama ang alak sakin kasi namumula talaga ko at pag nararamdaman kong mainit na.. hinto na ko.
       Nagpaagaw din ng barya! nakisali naman ako! hahhaa naka apat na piso din ata ko :) Nung magdidilim na, ang ganda na ng setup,. nilabas ni kuya yung laser yung parang sa disco sabay sounds.. ayun bago umuwi sayawan muna kami. Ang dami ko talagang tawa! lalo na kay tito renan! hahahah Macho dancer kung sumayaw. Tapos nun, binigay ni kuya Froi yung tag ni kuya von sa ospital kay tina.. sayang gusto ko sana ako ang magtago.. ayun hanggang sa magpaalam na kami sa kasiyahan back to Bulacan na ulit..




No comments:

Post a Comment

Total Pageviews