Sunday, June 5, 2011

Untold Story..



     Naalala ko bigla ang elementary days kO.. siguro kasi nakikita ko sa wall ko ang dati kong bestfriend at ang valedictorian namin tapos inadd pa ko ng crush ko dati.. parehas pala sila ngaung nag aaral ng  dati kong bestfriend sa UST pero magkaiba ng course..
Sa totoo lang ayokong maalala yung mga paulette days.. ewan ko ba parang nag iwan sakin yung school na yun ng bitter memories.. pero to be specific yung mga tao siguro dun especially mga classmate ko. Hmmm kung tutuusin may mga masasayang alaala din naman.. Nagsimula kong pumasok sa school na yun grade 2 ako, nag grade 1 lang ako sa BBF tapos nilipat din ako nila mama una pa nga kaming nag inquire nun sa Colegio.. pero hindi ko na matandaan kung bakit hindi ako dun tumuloy. Hanggang sa nauwi nga ako sa Paulette.. kakabukas lang ng school na yun noon so kami ang mga pioneer ng mga batch ko. Corinthians, Thessalonians, Galatians, Philippians, at Timothy ang mga naging section ko nun.. Ang hindi ko lang din matandaan, bakit wala akong class picture ng Grade 4 at Grade 5..? Suki ako ng Area H sa lakwatsahan! palagi kaming nag pplaystation kila Julienne.. peyborit kong laruin nun yung Crash bandicOt .. Pinakamalayo kong napaglakwatsahan nun na takot na takot talaga ko sa Rd. 2 .. ang layo na sakin nun dati.. Grade 3 ako unang nagkaroon ng cp, motorola pa nga ang brand tapos card pa lang ang load.. sagot pa nila mama load ko nun.
   
     Si E.J simulat simula pa lang sya na talaga kalaban ko sa top! hahah palagi kaming nag uunahan sa top1. hindi lang ata kami sa loob ng room magkalaban, palagi din kaming nagtutuksuhan sa labas ng paaralan.Muntik ko nang makalimutan si Hideki.. kalaban ko din sya sa top pero crush ko.. pero ewan ko ba sa tuwing may bestfriend ako pareho kami lagi ng crush. kaso nag tranfer din yung bestfriend ko nun kaya na meet ko ang tatlo ko pang naging bestfriend.. Uso ang sulatan kaya ngaun ang dami kong mga nakatagong sulat kahit wasak wasak na yung iba. Manhater din ako dati palagi kong pisikal na sinasaktan ang mga lalaki.. minsan pa nga napatawag ako sa guidance dahil sa brutal na ginawa ko kay Michael! (sikreto na lang kung anung ginawa ko! ^-^ ). Pinaka nakakatuwang naaalala ko nun, na hindi naman dapat pagkatuwan nung maihi, matae yung mga classmate ko.. (sikreto na lang yung mga name!) hahhah ang layO kasi ng CR nun, sa underground kasi yung room namin nung grade 4 kaya aakyat kapa ng hagdan. Ang lawak ng palyground namin nun, agawan base ang paboritong laruin ng section namin. dati puro graba pa yung nandun ngaun isa na syang stage. Hindi ko na din alam kung anung itsura ng school ngaun. Huli kong punta highschool pa ko.
    
     Naalala ko pa nun, malapit na foundation day so siniset up ang stage. puro skeleton na bakal pa lang yung mga nakatayo.. bilang bata pinaglaruan ko yun, tumulay tulay ako at ayun nalaglag.. humampas yung mukha ko sa bakal hahhaah! kala mo may beke ako nun! Hatid sundo pa ko ng sasakyan namin noon kaya nung pagka sundo sakin galit na galit si mama. Mahilig din ako sumali sa mga contest nun! halos lahat ng contest sinasalihan ko, Story telling (si Alitaptap at si paru-paro), declamation (Friends, Romans, Countrymen ni William Shakespear, The First day of Creation) Spelling bee, Quiz bee, Slogan making.. etc. pero ang kahiya hiya kong ginawa sa harap ng stage ay ang pag gaya sa hotdog commercial noon! (he loves me, he loves me not..) haiiizzt! :)
    
     Bitter memories, Nagsimula ata yun nung grade 5? or 6? naranasan ko pagkaisahan ng buong section.. tipong binaback stab ka nila. Pagkaharap mo ang gaganda ng sinasabi sayo tapos pagtalikod mo iba. Nagka issue kasi nun,  (eto ata ang pinaka dark secret ko..) pano mo gagawin ang isang krimen kung wala ka nun? Tapos alam ko namang ako yung pinag uusapan nila pero pag kinausap mo iibahin yung usapan.. kahit mga bestfriend mo hindi ka pinaniniwalaan. Iyak ako ng iyak palagi .. pati mga bestfriend ko hindi ako kinakausap.. lonely ako nun sa school alone ako palagi.. na trauma ata ko dahil dun kaya lahat ng tao siguro pinapakisamahan ko ngaun.
    
     Hanggang ngaun dala ko pa din yung mga bitter memories kaya siguro feeling ko naiiba ko sa mga classmate ko na yun! Hindi man lang nila ko inaadd sa facebook! at asa naman silang iadd kO sila.. mga snobbish.. hmp! Nagpapasalamat na rin ako at sa Trade ako nag aral.. nangako pa ko nun na babalik ako sa Paulette pero nung pinapili ako para mag transfer,.. minahal ko na ang Trade at ang mga tao dito..

Thursday, May 26, 2011

If One Day You Have The Courage (Yes or No OST)

With many people you pretend that you don’t love me
Do I belong together with you?
Like with our love, we must live in the shadow of the darkness
Make it to hearts business
I want to to dare
I still love you like before
There are still are ways
That it’s not too far
some day
I want you to look up at the stars
You don’t have to be shy to the sky
Through the earth
Don’t have to close your eyes
Don’t have to feel anything 
Some day
I want you to dare look at the other’s people eyes
And tell him that we are in love
There might not be people who will come to understand
It does not matter if we love each other
that’s important
If one day you will dare
Some day
I want to look up to the stars
Don’t by shy to the sky
Through the earth
Don’t close your eyes
Don’t feel anything 
I want you to dare to look at other people’s eyes
And tell him that we are in love. 

Friday, May 13, 2011

ESCAPADE TO BICOLANDIA..



        After 8 years I finally made it to came back here in Bicol.. Sa pag kakaalam kO Grade 5 pa last visit kO ditO.. Meteor Garden Era pa yun.  Mga panahOng baliw na baliw akO kay Watse Lei..  Pag dating namin dito,kila tita Melda muna kami tumuloy, nakita ko ulit yung magaganda at pogi kong pinsan .. Tapos pinasundo na lang kami at sumakay from what they call “padyak”. Kumbaga Tricycle version satin. Flashlight nga lang yung ilaw ng padyak . 30minutes ang naging paglalakbay namin mula sa Milaor hanggang digde (dito) sa Taban. Dati nagbabangka pa kami pumunta dito ngayon daw wala ng nagbabangka. Namangha agad ako sa mga tao dito, nagagawa nilang mabuhay ng simple at  payak na pamumuhay. Habang sakay sakay kami ng padyak sa gitna ng walang kailaw ilaw at mala-palayang daan,madaming mga bagay bagay ang tumatakbo sa isip ko. Ang sarap mangarap pag nandito ka kasi yung ambiance nung lugar parang nakakalungkot, parang hindi ko makita ang sarili kong tumira sa gantong lugar. Hindi dahil sa maarte akO.. feeling ko lang mamatay kasi ako sa kalungkutan.. pero in the first place pumunta ako dito para magpakasaya pero bakit ganto nararamdaman ko ngayOn?
   Parang winewelcome kami ng buwan ang ganda nya pagmasdan kasi sya lang yung bukod tanging nagliliwanag. Sabi nga ni lola sakin “si Janice parang ngayon lang nakakita ng buwan”. Hehehhe Mahilig lang talaga ko tumingala sakanila. Hindi ko mapigilan yung sarili ko.. ewan ko ba ang ganda kasi nila , sobrang sarap sa pakiramdam pag tinitignan ko sila..  Pero walang ganung star dito hindi katulad sa Bulacan kaya din siguro ko nalulungkot dagdag pa yung nawalan ako ng isa sa mga pinakamamahal kong pinsan. Naguguilty ako,  feeling ko dapat nandun ako sa Laguna at wala dito. Kung hindi lang kasi kami nakabili ng ticket hindi talaga kami uuwi dito. Si kuya pa din laman ng isip ko maya’t maya at syempre kasama na din si anu dun.. di ko din mapigilan sarili ko.. hahaha ako nga hindi naiisip nun.. tsk Life is unfair.

    Gabi na kami nakarating.. yung mga daan pamilyar pa rin sakin, matandain talaga kO sa lugar hindi sa pagmamayabang.. hehheh kahit pagod sa byahe pumunta agad kaming visita mga isang kilometro din ata mula dito. Tinignan lang namin ni papa yung naglalaro ng basketball.. may paliga kasi at ayun nga.. nagulantang ako ng isang player.. si Mr. #41 ang galing nya kasi..  pero sad to say natalo sila pero take note isa lang naman lamang ng kalaban! Kung hindi lang kasi na shoot ng kalbong yun! Over time sana.. Habang nanunuod ako naalala ko nung nasa Laguna ko, ganto yung pakiramdam ko nun, habang nag chicheer kay Mr. 11.. Iglesia ni CristO..  Naging crush ko din yun dahil din sa galing mag basketball.. Naalala ko na naman si kuya Von, kasali din kasi sya sa liga nun kahit hindi sya starting player, todo cheer ako sa kanya kahit taga takbo lang naman talaga yung role nya dun! Hehehhe Muntik nya pa ko ipakilala nun sa crush ko kasi kinabukasan pumunta sa kanila at nagpapa download ata? Ayun pinahawak sakin ni kuya von yung cp nya.. ^-^ hayz kuya..    Kanina inabangan ko ulit yung paliga, wala naman pala.. mag chicheer pa naman ako para kay Mr.#41. (Bryan pala name nya.) Wala naman palang laro.. bukas pa excited naman ako masyado, hmmm wala naman kasi magawa dito, ni wala nga kong makausap na kasing edadan ko. Tapos sa favorite kong color game hindi man lang ako manalo nalo samantalang dati ang swerte ko dun! Hayz.. pati ba naman sa laro minamalas ako…
       Nung umaga tska ko lang napansin yung mga pagbabago dito. Yung malaking bahay feeling ko ngayon maliit na, Luwang na luwang ako sa kalsada dati pero parang ngayon parang didipa na lang.. Yung harap ng bahay na dating taas na taas ako flat na, sa likod naman dati tanaw mo yung bukid, ngayon natatakpan na ng mga halaman.. yung tubig sa pampang dati lampas tao yung tubig ngayon hanggang leeg na lang.. wala na rin yung mga bangka na sinasakyan namin, Parang lahat ng bagay ngayong malaki na ko,. Lumiit.. Dati pag pupunta kami dito ang daming tao tska masaya, ngayon kami2x lang yung tao.. eto nga ang tinatawag nilang pagbabago.. nakakalungkot.. L ang ganda talaga ng buwan heheh sya lang nagpapasaya sakin.. tanaw na tanaw kasi sya dito sa kinalalagyan ko, nasa right upper part ko parang katabi ko lang sya bilog na bilog at ang liwanag..
      Natuwa pala ko sa poso kanina, ang hirap talaga mabuhay dito sabi nga ni papa dapat daw maiwan ako dito para daw eto yung maging training camp kO.. Maghuhugas ka ng plato kelangan mo magbomba sa poso, kahit maligo o maglaba. Ang mahirap pa nasa likod ng bahay yung poso so.. kelangan mong buhatin yung balde paloob.Pano naman kasi yung kapatid ko walang silbi.. naturingan pa naming lalaki sya dapat nagbobomba at nag iigib eh! Tsk Pag gabi kelangan mo pa din mag igib ang dilim pa naman walang ilaw sa likod buti na lang hindi ako takot sa mga mumu at kung anu ano pa wag lang talaga sa ipis.  Hindi ka mabubuhay ditto kung takot ka sa dilim. Naalala ko dati may balon pa dito pero hindi ko pa nakikita. Nung araw, nanghuhuli pa ako dito ng salagubang.. konting yugyog sa puno ang dami ng magsisilaglagan.. iuuwi ko pa yun hanggang Bulacan.. ewan ko lang ngayOn di ko pa nattry mang hunting.. pero kanina habang pauwi kami galing bisita, ang daming fireflies.. nagmistulang christmastree yung puno tapos sa basketball court ang dami namang gamu-gamo at ararawan dati hinahawakan ko pa yun, ngayon hindi ko na mahawakan.
    

DAY2
Ang aga namin gumising pupunta kasi kaming Naga. Pinuntahan namin yung Sm Naga, kasama yung mga pinsan ko.  Mga 1hour din siguro byahe mula dito. Nakapunta din kami sa Basilica. Yung simbahan dito na dati pinupuntahan din naming nung bata ako. May picture pa nga ko dati dun eh. Mga 2years or 3 years old pa lang ata ko nun. Ang liit pa din ng puno sa background ko nun ngayon pati puno lumaki na din. Pinicturan ulit ako ni papa sa punong yun.  Tapos namili kami ng pasalubong hindi ko nga nabilihan si ate julie eh ! di ko kasi nadala yung pera ko. Tsk ! sana pag uwi dumaan pa kami dun. Nakabalik din kami agad dito sa Taban.. walang padyak na dumadaan kaya motor yung naghatid samin dito. Ang sarap mag joyride habang umuulan.. wala kasing bubong yung motor kaya basa kami. Pag dating ditto natulog ulit ako kasi an gaga namin gumising. Alas singko na ng hapon nung nagising ako,naalala kong napanaginipan ko si.. yung setting sa tulay tapos may videoke hahhaha mukang tanga naman ako umiiyak daw ako habang kumakanta ramdam ko yung sakit kahit natutulog ako.spice girls pa nga daw yung kinakanta ko eh! hehehe.

Nagyaya ulit yung mga pinsan ko sa visita. Ang nakakatuwang part dun, may nagpapa autograph sakin. mUntanga lang! hahhaa nung nilapitan ako ni Charissa bigla naming tumakbo.. hinihingi pa yung no. ko. Kaso hindi ako interisado sa mga ganun kaya sabi ko na lang hindi ko alam no. ko. Tska nandun din si Rashid kaya hindi sila nakapalag. Nung gabi, may laro na naman sila Mr.#41 pero this time si Mr.#13 sya. And as as usual ang galing nya pa din maglaro! Kaso puro travelling ata ang violation nya ngayon? Hmmp todo cheer ako kahit hindi ko naman sila kilala hahhah at ayun talo pa din sila. Si papa nga nag coach sa team nila eh. Seryoso naman masyado si papa bumili pa talaga ng whiteboard. Sayang natalo, kulang din kasi sila sa player wala man lang pangsubstitute. Ah basta ang galing ni Bryan.. eto na din siguro huling kita ko sa kanila. Hindi ko na sila makikita ulit.

Day3 and Day4
Rainy day.. halos maghapon umulan ngayon.  Maghapon din akong nasa tent. Dahil sa labas lang ang signal ng  internet. Nagvideoke din pala kami kanina kaya siguro umulan din. Saktong pagkakanta ko umambon ! hahahha ako pa tuloy nasisi sa pag ulan. Napagpasyahan naming maligo sa ulan. Biyernes santo pa naman din bawal pala maligo. Dami kong napapayag na maligo sabay naglaro kaming buwis buhay na basketball. Ang dulas sa court kaya nagpaa kami halos yung iba nadudulas at nagpapakamatay para sa bola. Tawa ko ng tawa sa kanila nagsswimming sa court feel na feel nila. Nalalaglag na yung mga short wala silang pakialam. Pagtila ng ulan pumunta ulit kaming visita para manuod ng laro nila papa. Sa hindi inaasahang pagkakataon nakita ko ulit si Mr. 41, 13,(bryan) J taga zone 5 sya kaya madalang ko syang makiyta dito himala ko ng matuturing pag nakita ko sya.. pero nagulat ako nung nandun din sya nakaupo sa court hindi ko sya nakilala agad dumaan pa nga sa harapan ko eh! Hindi na naman ako nakapagpa autograph! Hahhaha kalaban pala nila papa yung mga kasama nya kaya pala nandun sya. Hindi na nga yung laro yung pinapanuod ko kundi sya na.. kaso pagtapos ng laro umuwi na din sya sakay ng motor. Hayz.. siguradong yun na talaga huling sulyap ko dun. Maraming salamat kila  jake, rAyan at bryan na nagpasaya sakin sa pamamagitan ng panunuod sa mga laro nilang comedy! ^-^ Mga malalayOng pinsan ko pa nga ata sila. Halos lahat dito kamag anak ko hindi lang kami magkakakilala. Salamat din sa mga batang naging kaibigan ko dito kahit ang kukulit nila at iba iba ang naging pangalan ko. Mula sa Janice naging (jan2x, jasmine, jaz,) ay ewan ko sa kanila. Pero ang saya din dito kasi alam mo yung pakiramdam na gusto ka nila iclose kasi dayo ka. Lahat gustong maagaw yung atensyon mo kaya matatawa ka na lang sa kanila. Yung iba pipicturan ka pa o magpapapicture sayo kalo mo kandidato ko dito. Pag dadaan ka sa kanila pag uusapan ka nila tatanong kung kaninong aki (anak) yan.  Tapos lahat ng taong makakasalubong mo sa kalsada mamanuhan mo. Kahit di ko kilala sige mano na lang akO! Hahaha
      Last day na naming ngayon pero hindi kami makauwi fully book na yung mga sasakyan. Chance passenger lang kami mamaya. Medyo nalulungkot na din ako, para kasing medyo nasanay na din ako dito. Ma mimiss ko yung daanan tuwing gabi sa may paliko tapos may puno na punong puno ng alitaptap.. ang gandang pagmasdan. Ma mimiss ko din sila buldoger, angel, at baki. Sayang at hindi na kami makakaabot ng fiesta ang original na plano naman talaga dito kami mag ffiesat kaso nga.. hayz. Di bale may next time pa naman dito si kuya wala ng next time. Kaso siguro mga ilang years na naman ako bago makapunta dito. 23 pala ngayon. happy bestfriend day... napanaginipan na naman kita.




  

Saturday, April 16, 2011

Dear kUya vOn..


     Madaya ka..! bakit ka umalis ng walang paalam?! hmmmp! ang dami pa nating planO diba? Pano na yung promise mO samin ni ate Jul na ecOpark???! sabi mO kahit anung mangyari promise mO pupunta tayO dun sagot mo pa lahat.. Magpipicture pa tayO gamit yung SLR mO.. Sabi mO pa partner tayO nung damit na niregalo mo skin.. susuotin ko yun tapos susuutin mo din yung sayo para tayo yung mag jowa.. sabi ko naman.. kunwari ka pa may partner ka na.. anu yan pampalubag loob sakin?.. Na mimiss na kita kuya sobra! sObrang miss ka namin! yung kakulitan mO, yung mga banat mong jokes na sobrang tuwang tuwa ko.. lalo na yung nov.1 yung papara ka ng jeep! napaka bingi kasi ng manong kaya nagpapractice ka ng pumara ng malakas.. at aun nga ang o.a naman sa lakas nung bumaba tayo ng lumber!.. hindi ako makahinga sa sobrang tawa nun! hahhaha ang saya pa natin tuwing Nov. uuwi kayO dito tapos sabay2x tayOng pupunta sa puntod ni lolo.. tatambay tayo dun, gala sabay kain ng mga handang niluto ni mami.. last year share pa tayO sa platO nun hindi pa nga plato eh lunch box lang ata yun.. kulang na lang mag subuan tayO.. Naaalala kO din nung magkatabi tayOng matulog, palagi mo sakin pinapakamot yung napakalapad mong likod..! sarap na sarap ka naman kasi palaging mahaba yung kuko ko! :)
    Nung First day ko sa college nun, kaw yung katext ko.. kaw yung nag aadvice sakin tutal parehas tayo ng course.. pinapractice mo pa nga ko ng mga posibleng tanong sa first day tulad ng, "bakit mo pinili ang nursing, define yourself, at kung magiging bagay ka, anu ka?" tanong mo na.. sagot mO pa.. hahahah! palagi mong pinapalakas yung loob kO pag gusto ko na mag give up.. palagi mong sinasabi na.. "sus wala lang yan.. akO nga...." sabi mO pa hindi ka nahihiya.. sinungaling! yung video mo nga sa copar mO.. habang nagtuturo ka sa mga bata halata namang nahihiya at kabado ka pa din.. but still you did a good job sabi ng mga groupmates mo.. improptu yun ah! nakz. galing talaga ng kuya kO..
     Nung highschool kami, alam mo bang crush kita nun? hahahha  pag nagtxt ka mag papaload agad akO.. katext ka pa namin nun nung papunta kami kila cheska.. tawa kami ng tawa sayo nila marianne at karen nung sabihin mong "pota".. hindi kasi kami sanay na "pota".. grabeh na naman tawa namin nun..
  3yrs agO, nung ma diagnosed ka ng leukemia.. aplastic anemia pa nga sabi mo sakin nun, nagulat talga kaming lahat.. perO ikaw yung pinaka nagpakatatag samin, hindi mO pinakita yung mga weak sides mO.. palagi mong sinasabing okei ka lang kahit hindi na kasi mas inaaalala mo ung mga nakapaligid sayOng tao.. kahit may sakit ka na, ginagawa mo pa yung best mO, naaalala mo ung may medical mission kayO? sinasama mo pa ko nun kaso may pasok akO, jologs na jologs ka pa sa scrubsuit ayaw mong sinusuot.. at ang malupit pa dun, nagsinungaling ka kay tita.. sabi mo kila kuya philip ka lang matutulog yun pala aattend ka ng med.mission makita mo lang si joy..! perO. ang saklap pa ng naging tugon sayO.. kung alam lang nya kung anung sinacrifice mo nung araw na yun.. Lahat ng lovelife mo, naging saksi akO.. pano pag may chicks kang pinupuntirya pinapakilala mo muna sakin.. pinapaclose mo pa sakin at ipapaadd sa facebook.. nagpapaturo ka pa sakin kung panO mag edit ng picture at gagawan mo ung mga chicks mO.. ang sweet mO talaga! kahit aq ineedit mo ung mga pics kO.. naaalala mO ung pics kO sa ecOpark? kaw pa namili ng quotes na ilalagay! hahhah galeeng mO alam na alam mU din talaga ang buhay kO, sabi mO pa basta may ipapaedit akO, itagged kO lang sayo.. matik na yun.. kada edit pics mO pa, may pangalan mO sa baba na "vonskie".. Halos lahat pa ginwan mO ng graffiti.. at mahahalata namang green ang favorite mong color,. halos lahat kasi may color green.. Nung mag bakasyOn kami jan, lam mO bang yun yung pinakamasayang bakasyOn kO? naging favorite na lugar kO pa yang laguna.. sinundO mO pa kami nun sa sta. cruz! ang tagal ng hinintay mO dun, mahigit isang oras ka ata dun tapos french fries lang inorder mO, naka short ka pa.. tapos pag nandun kami ni ate jul, wala ka naman minsan kasi nag susummer ka pa nun, gabi ka na makakauwi, sayO pa kami nag susumbong pag pinapagalitan kami ni kuya frOi! hahhaa.. Ginala nyo pa kami sa lupain nyo sa Quezon.. namitas pa tayO ng kalamansi tapOs nag swimming sa dagat na hindi kO alam last day na rin pala yun ng cellphOne kO.. Nung nagswimming din tayO nun sa sitiO lUcia.. tawa kami ng tawa sayO kasi nag mOdel mOdel kang parang babOy na sirena sa gilid ng pOol.. pakembOt kembOt ka pa..
      Pag umuuwi ka dito ng Bulacan, kaw palagi nanlilibre samin, samantalang ikaw ang dayO hahahha kaw kasi mayaman eh! salamat sa pag libre kuya.. sa kabagan, tig pipisong chichiria, candy at stick o.. with matching tambay sa labas ng bahay namin.. nakaupo sa tabi ng kanal nila aling tita at mag sosoundtrip sa cellphone mO,at walang katapusang kwentuhan habang nag aabang magsilaglagan ung mga bitwin sa taas naten.. tapos walang kupas na picture taking na naman.. pag nagkasawaan tska lang mag uuwian.. Ang pinakahindi ko makakalimuta nung bata tayO, since akO yung pinakabata sating magpipinsan nUn, akO palagi yung kawawa at aping api sa inyo.. ang lakas nyO mang asar nila kuya bise, kuya mac at kuya pol.. one time kila lola, kw kasi yung mayaman so kaw pa lang ung may game boy samin, kami naman pila pila manghiram sayO.. ang damot mU nun! ahahahh pero pinapahiram mo sila kuya.. samantalang akO halos umiyak na makahiram lang.. palgi mO pa kong inaasar na oink2x.. rOsa, babOy, kahit ikaw din naman tababoy!
    Nung debut mO last2x year umattend kami nun kahit may bagyong undOy.. galit na galit kaya sakin si papa nun, ang dami kong narinig na masasakit na salita.. sabi kO na lang sa isip2x kO, hindi naman un ung pinunta kO, yung kasiyahan ng pag sama2x hindi naman ung sinasabi ni papa.. at kaw pa talaga nagrequest ng ireregalo ko sayO nun, yung gel ata un.. nakalimutan kO yung brand basta mousse yun eh! sinamahan pa kO ni juna bumili sa sm.. hindi kO na din binalot kasi alam mO naman na!..Pagtapos nun nandun din mga classmate mO nun, dun ata kO unang uminom ng gin, ang sarap pala.. hahhaha parang juice lang, pero ikaw bawal ka uminom so sagot mo lang ang kwento,! madaling araw na kaya si tita, umuusok na ang ilong sayO, sabi mO pa ikaw bahala kay tita, eh narinig.. aun sermOn ka sa harap ng mga bisita mO! hhaahha ginawa mO pa kaming katulong nun ni ate jUl, kami nagligpit.. tapOs di pa namin makakalimutan nung pag plantsahin mO kami ng uniform mO! hahha bOss ka tlaga eh nUh! perO kuya, kahit anu pa ipagawA mO samin, dumilat ka lang jan! ang tagal mO namang natutulOg.. aba! nasObrahan ka na.. T-T Nung umuwi tayOng Tarlac kahit patay yung pinuntahan natin tawa tayO nun ng tawa.. ngayOn bakit ikaw na yung nakahiga, hindi kami makatawa tae ka! walang nagpapatawa samin!
       Hmp! palagi pa naman kitang kachat.. kaw palaging nagtatanOng anung ulam namin, umuulan ba dito.. at kung anu2x pa may mapag usapan lang.. kung alam kO lang kUya hindi na sana kO nag ooffline sa chat.. kakausapan kita at hindi na ikaw ung unang mag aapproach.. sa tuwing sinisilip ko pa naman kung sinong online ikaw palagi yung present.. pati sa pag comment sa mga emong post ni titO renan.. kaw laging nakakOntra! Lam mO din mga pinagdadaanan ng lovelife kO, sayO kO nga lang pinabasa tong bLog kO nun at sabi mO sikretO lang natin.. Palagi mO pa kong kinukulit kung may summer ba kO at magbakasYon naman ako jan para may kasama ka.. sabi mO magtitinda pa tayO, tska aakyat tayO ng bUndOk.. kUng hindi akO makakasamang umakyat, sabi mO sumama na lang ako sa inyO sa Tarlac.. maduga ka naman eh, nauna ka na.. hindi mO kO hinintay! hindi pa nga kO nakakaakyat! Sabi mO pa sabay tayOng kukuha ng board exam.. pinamana mO pa sakin tOng librO ng Funda.. sabi mO gagamitin mO pa toh! 
   Last na pagkikita natin last christmas.. for the first time.. kumpletO tayOng magpipinsan.. First and last christmas na pala natin nUn.. Okei ka naman nun eh.. magaling ka nga diba? anU ba talagang nangyari? Excited ka pa mag fiesta ditO kasi uuwi din sila ate jeany at siguradOng kaliwat kanan na pasyalan at swimming na naman un, sabi mO pa hindi kayO magpapaiwan ni tito at sasam kayO.. hmp! isasama ka naman eh bumitiw ka agad, nasan na yung jelly ace ni ate jhen?.. kUng sakaling makaakyat akO ng bundoK after how many years.. hindi na kita makakasama.. hinintay pa naman kita mag pagaling kaso hindi mo na kinaya.. hanggang sa huling sandali nagpapaka cool ka pa.. ayaw mO pa magpadala sa ospital kahit nilalagnat ka na kasi inaaalala mO kung may pera pa kayO.. amP! nagpadala ka kung kelan hindi ka na makahinga! buang ka talaga.. kaya pala nag paluto ka na nun ng mga favOrite mOng pagkain.. at himalang nagtrabahO ka ng mga gawaing bahay.. nakita kO pa ung schedule mO sa cp mO yung "mga gagawin para hindi palaging nakatunganga sa harap ng pc".. pati ung mga pics natin last2x year nung nOv.1 naka save pa sa cp mO kahit ang labO naman nun,. sOrry kuYa wala akOng nasabi o nagawa bagO ka mawala..  hindi kO man lang narelpyan ung comment mO nung graduatioN ni rashid.. Hindi man lang akO nakapunta jan para tuparin ung kahilingan Mong magbaksyOn akO jan para naman may makausap ka kasi bored na bored ka na.. thank you din sa lahat2x.. yan din yung mga last na sinabi mO bago ka mawala.. "kaya ko pa pero hindi na kaya ng katawan kO, thankz kuya" sabi mo kay kuta richie.. sinO ba namang hindi maiiyak dun.. hayzz..
    SinO na lang pagkkwentuhan kO ng mga problema kO? Naghihired na nga kO ng kuya may matawag lang ng kUya tapos yung genuine pa yung nawala.. iilan na nga lang kayOng kuya kO.. wala ng bubuhat sakin kahit ganto na kO kalaki at kabigat.. grbeh nakakaya mO pa qng buhatin as in buhat talaga.. sinO na lang papasanan kO sa likOd? tska manlilibre sakin? wala na din mag yayaya sakin pumunta jan, anO na lang papaalam kO kay mama pag gustO kO pumunta jan? lam mU namang ikaw yung pinangsasangkalan kO dun makapUnta lang.. sabi mO pa bibilihan mO kO ng cake sa bday kO!! Wala ng mag aadvice sakin pag dating sa schOol.. cnO na lang mag eedit ng mga picture kO ng ganun kaganda? sayO kO pa natutunan kung panO gamitin yung clOne sa photoescaPe.. cnO na lang mag pipiture samin? wAla na din yung mga jOkes na nakakawalang hininga.. wala na din kOng cellphone na paglalaruan.. yUng arithmetic jan sa cp mO, kaw nga top score dun eh, galing mO talaga.. wala na kOng aagawan ng sumbrerO at kakamUtan ng malapad na likOd.. wala ng maglilibOt samin sa circle, at sa San pedro .. pati sa bahay nila ate inday at kuya philip.. hindi na tayO makukumpletO pag may 1 at nov.1 .. wala ng mangungulit sakin tungkol sa mga kinababaliwan nyang chickz.. medyO naging bitter pa kami sa last n naging babae sa buhay mO,. sabi kO pa child abuse ka.. perO hindi naman akO as in kOntra.. tapos sabi mO pag nasama ko si tina jan malaki yung prize mO sakin.. ngayong nasama na namin.. wala ka na.. :( wala na din ka tag team si titO renan sa mga jOkes.. nawalan din xa ng president sa fans club at asosasyOn nya.. wala ng mang aasar sakanya sa lOve life nya... ang daming nawala nung nawala ka.. wala ng mang aasar sakin dun sa magaling mag basketball na crush kO sa laguna.. wala na kOng ichicheer pag may paliga ng basketball jan .. kahit wala namang ibang role kundi taga takbO lang.. :) hayz kuya!!! T-T iyak tawa kO sayO! sObrang mamimiss namin yung kakUlitan mO..! okei na din siguro para hindi ka na nahihirapan sa tusOk ng karayOm jan sa likOd mO.. ginawa mO naman na lahat kasO hanggang dun na lang sigUro talaga.. WE WILL DEFINITELY MISS YOU! VON KAIZER GRAGANZA BELTRAN.. Rest In Peace kUya..











Wednesday, February 23, 2011

Duty at Guagua, Pampanga

    This is my 3rd time for Provincial Duty.. hindi na bago sakin ang mga dapat kong dalhin at kung ano pang mga dapat iexpect ko. Dati gustong gusto ko mag provincial....  isa ng dahilan dito ay nagiging malaya ako sa mga bagay bagay.. natututo akong maging responsable sa sarili ko ng walang nag didiktang pamilya kung ano ang tama at mali.. isa pa nararanasan kong matulog kasama ang mga malalapit kong kaibgan at maglakwatsa kahit dis-oras na nang gabi.. pumili ng kakainin or kung kakain ba o hindi..
    This time sa Guagua Pampanga na assign ang section namin from February14-19,2011.. Saktong araw ng mga puso, nag aabang kami ng service ng school para ihatid kami sa aming destinasyon. Habang naghihintay kaliwat kanan ang mga magsing irog na halata namang masayang nagcecelebrate with matching chocolates and flowers pa! hahahha kelan kaya ko makakatanggap nun? naging isang malaking HURTS day sakin ang dapat sana ay HEART's day :) ..
     Pagdating namin sa Pampanga.. diretso bihis kami ng nursing uniform para sa orientation.. (patayan ito!) pagod ka pa sa byahe kelangan na namin magduty.. 9pm na ng matapos kami.. sa MS ward kami na assign na hindi na rin bago sakin dahil nasabak na din ako sa area na to sa Batangas.Pero ang mangyayari 3days lang kami sa area na yun at ang last 3 ay OR naman. Napakalaki kong tanga sa OR! 2nd time ko na pero daig pa ko ng mga first time! naging isang malaking frustration sakin! Friday pa naman nun.. my favorite day at feb.18 pa.. fav. no. minalas malas ako.. Naging palpak na circulating nurse ako sa OR! halos lahat ata ng inutos sakin mga dalawa lang ang nagawa kong tama! hayzzz. T-T at as usual iyak na naman akO! hahahaha nakailang iyak ata ko sa araw na yun, kinagabihan naman nag away away na naman ang mga kaibigan ko.. pero nagkabati din naman..
    Hindi lang naman puro kalungkutan ang naghari sa buong rotation na yun.. nakapamasyal kami sa lumubog na simbahan na pinag shootingan nila Santino.. napakatahimik ng lugar at iilan lang ang tao.. sa likod ng simbahan may wishing well.. naghulog ako ng piso at taimtim na nag wish..! (matupad kaya?) Naging tour guide at photographer namin ang aming Clinical Instructor.. hehehe si Mam. Lim.. nakakahiya sa kanya.. Tapos nun, dinala nya kami sa Bayan para bumili ng kung anu ano.. pero ang nag iisang nabili lang namin ay CD! hahahah ang layo ng dinayo namin para bumili lang ng isang CD! sa dami naming yon! nag ambagan pa kami ng 4pesos each.. tapos kinagabihan eh nag movie marathon na lang kami. Nagkakatakutan pa sa dorm.. kamusta naman kasi nakakatakot naman talaga.. 

     Last day namin may duty pa din kami.. pero IV insertion na lang.. ang galing kO! for thre first time nakapag IV insertion ako! ^__^ achievement.. tsaka hindi naman pala masakit insertan mas nasaktan pa ko sa higpit ng tourniquet ni Jaybee! pero sa bagay gauge 24 lang kasi ginamit! At yun nga.. nag pirmahan na lang ng RLE at pinauwi na kami ng C.I namin sa dorm para makapag impake na ng mga gamit pauwi!








Thursday, February 3, 2011

CRAZY LITTLE THING CALLED LOVE a.k.a FIRST LOVE

    Matapos ang isang buwang impyerno dahil sa school works, kelangan ko namang pasayahin ang sarili ko. At syempre dating gawi.. nanuod ako ng movie.. but this time, for the first time, Thai movie ang pinanuod ko.. A CRAZY LITTLE THING CALLED LOVE.
      Matagal ko ng nakita tong movie na toh sa tumblr, pero sa kasamaang palad, pinagdamutan ako ng nag post.. hindi man lang binigay yung title or yung link! I tried to search it but epic failed ako.. Until once nakita ko ulit sya.. thank you sa nag share! Tinawag ko ang pinsan ko para naman may kasama akong kiligin! hahaahah para malabas ko talaga lahat ng emosyong nararamdaman ko, ang hirap kasi pigilan.. :)
   Naka relate ako sa movie, hahhahaah Its an unrequited love story but in the end naging happy ending naman,.. it takes time nga lang.. Parang na feature sa movie na to, lahat ng mga kahihiyang ginawa mo na hindi mo maisip na nagawa mo pala ng dahil lang sa isang tao.. akalain mo yun? yeah! and I guess, that's why they entitled it A CRAZY LITTLE THING CALLED LOVE.. Nagawa nyang baguhin ang sarili nya from ugly duckling to a beautiful swan.. because of that guy. Salungat sa perception ng ibang tao na, "hindi mo kailangang magbago para sa isang tao para mahalin ka nila, kasi kung mahal ka nila tatanggapin nila kung ano ka talaga"..bakit hindi nila isiping... "because I love you, maybe I should try".. ang selfish din naman kasi kung palagi mo na lang iniisip yung sarili mo,. atska kung sa ikakabuti mo rin naman toh.. but anyway, hindi ko naman masyadong kinokontra ang mga may paninindigan na ganito, dahil ako mismo ay guilty sa mga sinasabi kO..! hahhaha Kung may magbago man sa pagkatao mo, Ikaw ay Ikaw.. Ikaw pa din yan.. besides hindi naman masamang maghangad na magustuhan ka ng tao sa kung ano ka ng walang binabagong anu man sa pagkatao mo.
       For almost 4 years, the girl in this movie secretly love this certain guy, At lahat na ng orasyon,kasabihan at mga paniniwala para mapansin at magustuhan sya ng lalaking yun ay ginawa na nya.. Ang sadyang pag pagdaan sa room para lang makita ang mukha nya, puntahan ang mga lugar na nandun sya , ang pagtawag sa phone marinig lang ang boses nya.. she even kept all the things that the guy gave him as a souvenir!kahit na napaka liit na bagay lang nyan.. yung tipong nahawakan nya lang yung bagay na yun, itatago mo na kasi big deal na yun para sayo! na kulang na lang ay ipa laminate mo pa, maingatan lang! hhaaha (nakarelate..!) Malaman nya lang ang pangalan mo o kausapin ka lang nya kahit pa walang kwentang pag uusap yan, or tumingin man lang sya sayo ay nakakakilig na yun.. kasi nga.. gusto mo sya. maliit man na bagay yan, nagiging big dahil sayo.. siguro nga love is blind.. hahhaha Lahat makakarelate sa movie at mag fflash back ang high school days nila.. Its a love story of every one.. Im sure nakarelate kayo.. at nasabi nyo na "shockz ako yun ah, ginawa ko yun".Those naughty or silly things na nagawa mo mapansin lang ng guy.

 The scene that hit me most is when Nam, and her bestfriends split up, Naalala ko ang bonggang away namin ni Karen nung kami ay second year highschool.. ng dahil din sa boyfriend nya.. honestly I cried in that scene! hahhaah One of the sad scene din is when Nam gather all her courage to confess her undying love to Shone with matching white rose.. only to be heart broken in the end dahil may girlfriend na si Shone. May gana pang magtanong si Shone na "Nam, are you alright?" nyeek? hindi ba obvious? haleer? hahhaha para kang nareject of course alangan naman maging okei ka sa alright? nakakapanghina kaya yun, lalo na't matagal mong inipon yung lakas na yun para lang masabi mo.. and for that I salute you Nam! Strong!! shet..! I felt your pain girl.. so freaking bad! ( I also in love with a guy for almost 6 years at syempre Epic failed pa din ako.. hahaha)
    All those bitter sweet memoRIES came rushing through me.. hahahha share ko ang mga silly things ko ding nagawa.. Pumapasok ako ng maaga para lang makita sya, kasi pumapasok din sya ng maaga, Tinago ko yung  limang pisong binayad nya nung nagbayad sya ng utang sakin(alam yun ng bestfriend ko) , sobrang natuwa ako ng kausapin nya ko sa canteen dahil nagpasalamat sa chess na dala ko, (take note, hindi nya masabi ang name ko, siguro hindi pa nya ko kilala nun, ang mga pages ng diary ko ay puro about him, ang mga text message sa phone ko ay puro sa kanya din, kahit walang sense pa yan o simpleng goodnight.. malamang nga kahit blank message kung hindi lang napupuno ang inbox ko eh sinave ko na, sinulatan ko ang braso?( anu ba tawag dito? basta lower arm) ng name nya gamit ang dulo ng I.D yung edge nun? yung matulis? hahahha emo? First year high school ako nun eh nasa tapat kami ng mapeh room, sa may corridor nakatambay (alam din yun ng bestfriend ko), kahit gabi na at sarado na ang loadan malapit samin, dumayo pa ko sa kabilang iskinita makapagload lang, tumakbo ko para hindi mahalata ni mama na malayo pa ang pinang galingan ko, gumawa ako ng slam book nung highschool kahit ang totoo sya lang ang gusto kong sumagot dun.. . at magpa hanggang ngayon, walang araw na hindi ko sya naiisip! kahit ayoko ng isipin,kaya nga siguro hanggang sa panaginip dala ko sya, Fact na the whole month ko syang napanaginipan, kahit ako hindi makapaniwala na pwede pa lang mangyari yun.. he always dominate my thoughts,. invading my whole world kaya lalong nagiging masakit para sakin..
    (Back to movie..) ginawa na lang siguro nilang happy ending.. 9 years later, they end up together.. Akalain mong yung taong kinababaliwan mo, yung taong iniiyakan mo or short yung taong sinisinta mo ay may gusto din pala sayo? hindi ka pa lang nagsisimula, pasok ka na sa puso nya! hahhaha sa movie, nakita kasi ni Shone yung book na "ways to get the person you love" ata yun,sabi nya "this book is funny but it makes me know how much you have tried"  tapos naka caption sa scrap book nya na "I want to tell you that you had succeeded ever since you began to do".. hahahha ang awkward kung tutuusin... pero napaka saya siguro ng ganung feeling! :) iniisip ko pa lang masaya na how much more kung totoong nanyare! hayzzz kung ganun lang kadali ang mga bagay bagay! hahhaha so happy ending nga.. which is technically hindi na unrequited love..




  In real life, unrequited love doesnt have a happy ending.. but thats life, we didnt get all what we want even if we tried hard just to have it.. that's just how things are..

Total Pageviews