Wednesday, February 23, 2011

Duty at Guagua, Pampanga

    This is my 3rd time for Provincial Duty.. hindi na bago sakin ang mga dapat kong dalhin at kung ano pang mga dapat iexpect ko. Dati gustong gusto ko mag provincial....  isa ng dahilan dito ay nagiging malaya ako sa mga bagay bagay.. natututo akong maging responsable sa sarili ko ng walang nag didiktang pamilya kung ano ang tama at mali.. isa pa nararanasan kong matulog kasama ang mga malalapit kong kaibgan at maglakwatsa kahit dis-oras na nang gabi.. pumili ng kakainin or kung kakain ba o hindi..
    This time sa Guagua Pampanga na assign ang section namin from February14-19,2011.. Saktong araw ng mga puso, nag aabang kami ng service ng school para ihatid kami sa aming destinasyon. Habang naghihintay kaliwat kanan ang mga magsing irog na halata namang masayang nagcecelebrate with matching chocolates and flowers pa! hahahha kelan kaya ko makakatanggap nun? naging isang malaking HURTS day sakin ang dapat sana ay HEART's day :) ..
     Pagdating namin sa Pampanga.. diretso bihis kami ng nursing uniform para sa orientation.. (patayan ito!) pagod ka pa sa byahe kelangan na namin magduty.. 9pm na ng matapos kami.. sa MS ward kami na assign na hindi na rin bago sakin dahil nasabak na din ako sa area na to sa Batangas.Pero ang mangyayari 3days lang kami sa area na yun at ang last 3 ay OR naman. Napakalaki kong tanga sa OR! 2nd time ko na pero daig pa ko ng mga first time! naging isang malaking frustration sakin! Friday pa naman nun.. my favorite day at feb.18 pa.. fav. no. minalas malas ako.. Naging palpak na circulating nurse ako sa OR! halos lahat ata ng inutos sakin mga dalawa lang ang nagawa kong tama! hayzzz. T-T at as usual iyak na naman akO! hahahaha nakailang iyak ata ko sa araw na yun, kinagabihan naman nag away away na naman ang mga kaibigan ko.. pero nagkabati din naman..
    Hindi lang naman puro kalungkutan ang naghari sa buong rotation na yun.. nakapamasyal kami sa lumubog na simbahan na pinag shootingan nila Santino.. napakatahimik ng lugar at iilan lang ang tao.. sa likod ng simbahan may wishing well.. naghulog ako ng piso at taimtim na nag wish..! (matupad kaya?) Naging tour guide at photographer namin ang aming Clinical Instructor.. hehehe si Mam. Lim.. nakakahiya sa kanya.. Tapos nun, dinala nya kami sa Bayan para bumili ng kung anu ano.. pero ang nag iisang nabili lang namin ay CD! hahahah ang layo ng dinayo namin para bumili lang ng isang CD! sa dami naming yon! nag ambagan pa kami ng 4pesos each.. tapos kinagabihan eh nag movie marathon na lang kami. Nagkakatakutan pa sa dorm.. kamusta naman kasi nakakatakot naman talaga.. 

     Last day namin may duty pa din kami.. pero IV insertion na lang.. ang galing kO! for thre first time nakapag IV insertion ako! ^__^ achievement.. tsaka hindi naman pala masakit insertan mas nasaktan pa ko sa higpit ng tourniquet ni Jaybee! pero sa bagay gauge 24 lang kasi ginamit! At yun nga.. nag pirmahan na lang ng RLE at pinauwi na kami ng C.I namin sa dorm para makapag impake na ng mga gamit pauwi!








No comments:

Post a Comment

Total Pageviews