Tuesday, November 22, 2011

I lost my Bestfriend..

   Namimiss kO na sya.. sObra! hindi kO akalaing mawawala ko sya.. :( sa 4years naming pagsasama matuturing ko na syang bestfriend. pagmasaya ako, malungkot, takot at kung anu pa mang emosyon ang nararamdaman ko.. lahat ng yun, sya ang naging kasama ko. Sa panahong wala akong lakas para harapin ang mundo, sya ang bukod tanging naging sandalan kO. Sa mga taong nagpaiyak sakin, sya din ang nagpapagaan ng loob ko,. Sa mga gabi na wala kong kasama, sinamahan nya ko. Kahit san ako pumunta nandun din sya. Lahat ng bittersweet memories kO na sakanya..pero ngaun wala na sya! tsk!
     Para sa mabait na taong kumuha ng mp3 kO hindi kita mapapatawad! waaaah! lalo nat sapilitan mo pang kinuha! Hindi mo alam kung gano kahirap mag downlad ng kanta isa-isa! Nakakainis ka! sana isoli mO na sya sakin!.. Dami pa naman ng kanta,videos,picture,ebook at kung anu2x pa dun.. Kung sino ka man gustO mo bigay kO na lng din ung cd nyan? sayang naman kung hindi ka malalagyan ng video kasi kailangan mo pa yun iconvert.. hindi ka din makakagawa ng slideshow. My bonus pa dyang mga kanta ko na nirecord ko lang! hahhaha wew.. nakakahiya! ang dami pa naman nun.. feeling singer lang akO! pati ung mga pictures kO  at mga picture ni Aries jan! yun pa naman tinitignan ko pag gusto kong mamulat sa katotohanan. hahaha para saktan ang sarili ko.. nandun din yung slide na ginawa ko para kay kuya von. pati ung slide na ginawa ko sa presentation namin sa computer dati! nagpakahirap p nmn ako iconvert from powerpoint to mpeg un! iniz!



Yung mga favorite songs kO! waaahuhuhu everytime na papasok at pauwi pa naman sa school sya kasama ko sa bus. Mukhang imposible ko na syang makuha lalo nat sinadya syang kunin. Im very sure na classmate ko lang kumuha since nung pumasok ako ng Language nandun pa sya tapos nung uwian! WALA na!!! T-T taena ang tagal kong iningatan yun.. hanggang ngaun hindi ako makapaniwala na wala na sya... buti na lang na save ko pala lahat ng files sa pc.

No comments:

Post a Comment

Total Pageviews