Thursday, October 6, 2011

RE DEFENSE!!!!

   Grabeh tong araw na toh.. T-T kahapOn ilang hours kami naghintay para mag defend ng aming thesis.. sa kasawiang palad 8:30pm na, limang group pa din kaming nakapila kaya naman kinabukasan na lang kami bumalik.. Pangalawang beses na namin to mag dedefend dahil redefense kami dahil lang sa isang digit na number! mali kasi yung age bracket nung isang age group dun.. at syempre dahil ang questionnaire ang puso ng chapter 4 and chapter 5 tanggap na namin na redefense kami. Apat ba naman din na panel ang umupo samin.. gisang gisa din kami pero tanggap namin yung mali namin..
    Kanina sa kasamaang palad, tatlo  ang panelist namin pero si Sir Gadais at C.I sa Valenzuela naman at yung isa ay si sir Mike.. Nagsama ang parehas terror magcritic. Sinasabihan pa lang kami ng ibang group na ang malas namin, may kutob na kaming magigisa din kami since yung naunang mag defense samin eh napaiyak na din. Bago kami pumasok sa room, nakakwentuhan pa namin si Mam Aguilar.. ang bait nya talaga hinawakan nya pa yung kamay ko.. :) Nasalubong din namin si Sir. Decena at sinabihan nga namin na defense namin kaya hindi na kami nakapsok sa last lecture nya :( sabi nya alam nya na yun galingan daw namin sa defense at kayang kaya namin yun! Gnoodluck din kami ng mga classmate namin at habang nagdedefense nasa likod sila ng pinto nakasuporta.. :)
       Tatlo yung panelist, tatlo lang din yung pinaprint namin at ang inaasahan naming kopya namin ay yung dati na naming napaprint kaso kinuha din nila para icompare kung ano na yung mga nabago namin. In short wala kaming kopya. Nagsimula ang presentation ng powerpoint wala pang tanong samin hanggang sa nakarating sila sa questionnaire at tinadtad na kami ng tanong,. family income pa lang at kung anong suporting related literature namin dun.. buti bago magdefense nilista ko na yung mga pages at suporting related lit namin ang kaso ako lang ang may kopya so ako lang yung nagtuturo kay sir kung nasaan yun. Hanggang sa ako na yung nasa unahan malapit sa mga panelist kesa sa mga ka group ko, kada tanong ni sir, wala kaming nasasagot.. nagulat ako sa mga kagroup ko, ang tahimik nila ako lang yung nakikipagtalo kay sir. kaso hindi nya makuha yung point ko so sumuporta na din yung mga kagroup ko kaso pinaninindigan talaga ni sir yung side nya. Pinagtatanggol na nga din kami ni sir Mike eh.. kaya pala nakikita ko sya sa peripheral vision ko na nakatingin sya sakin at may tinuturo yun pala kinocoach nya kami! ang tanga ko lang hindi ko sya pinansin.
        Tapos, Gender naman yung tinanong samin, hindi na naman nya kami magets na either the mother or father yung iniinterview namin. dapat daw both since parents yung nakalagay samin eh sabi ko parent din naman yung father o kaya mother so either of the two lang sabi nya naman kung isa lang eh di parent lang yun! sabi ko sir kasi sa title namin general na po na parents so pag pinagsamasama mo lahat ng parent, parentssss na po yun! hindi nya na naman inaccept ang opinyon ko, sumunod na question ginisa nya kami sa advantages and disadvantages pero dito sumasang ayon akong may point sya. Pagtapos sabunin hindi na nya pinagpatuloy yung chapter 4 and chapter 5 namin, pinalabas nya na kami para mag hintay ng verdict syempre alam ko na kung ano ang kalalabasan nun. nagsimula ng tumulo ang luha ko, sa loob pa lang mangilig ngilid na eh.. binigyan na lang ako ng panyo ni juna. at sa labas bumuhos na talaga.. nakakaiyak lang kasi yung effort namin dun eh, ilang gabing puyat sacrifices, gastos, gising ng maaga, edit,.. ni hindi ko na nga naaaral yung mga lecture sa ibang subject at hindi pa ko nagrereview para sa prefinals at finals na dapat sinimulan ko na nung maaga palang. cover to cover pa naman yun! halo halo ng emosyon nananaig sakin pero wala kong galit sa mga panelist..
      Nung tinawag na kami, ayun alam na.. redefense na naman kami! ano ba yun! masteral ba ito??? uulit na naman kami sa questionnaire, pagpapapirma, survey, tally at interpretation. hayzzzz... lumabas na kami ng room at lumipat sa vacant room. doon nanaig ang katahimikan sa group namin at nagnilaynilay..  tapos lumapit samin si sir Mike! at kinomfort kami.. sabi nya "nandun kaya sa related literature yung mga sagot na tinatanong sa inyo. dapat kasi pinaglaban nyo.. gusto ko nga sana kayo ipagtanggol kaso bawal yun.. sinabi ko na nga lang kay sir gadais nyo na parent kasi kahit sinong parent sa isang pamilya.. tignan nyo hindi na nagtanong" dapat pinaglaban nyo study nyo yan eh dapat hindi kayo pumapayag.. tapos sabi nya konting revision na lang daw sa questionnaire.. yung mga sagot daw, alam na ang gagawin! (kami na lang daw gumawa!) hahahha lalo kong naiyak sa kanya! naramdaman ko yung care nya! waaah.. nkakainlove ang baettt!!! hindi ako makamove on sa kanya hanggang ngaun.. kahit ngaun lang namin sya nakilala.. nagpakita sya ng concern
      Pagtapos nun pumunta kaming rehab para magpacheck na lang kay sir dela merced ng thesis..! waaah grabeh ang gwapo nya habang ineedit yung thesis nmin! ang seryoso.. binigyan nya din talga kami ng time kahit may ginagawa sya.. nakakainlove na naman! tapos ayun sabi nya sa kanya na lang daw kami mag defense .. itext na lang daw namin sya.. para daw maayos na kami! hayzzz.. ang daming taong gusto ko pasalamatan ngaun! hindi ko sila makakalimutan.. kahit yung lalaking nagpaupo sakin sa bus.. hahahah naaappreciate ko ngaun yung mga taong mabubuti.. dahil sa down ako ngaun..

No comments:

Post a Comment

Total Pageviews