Tuesday, January 11, 2011

A Duty to Remember..

          Mariveles, Bataan.. December 5-12, 2010.. na assigned ang aming section para magduty sa Mariveles, Bataan, Mental Hospital. Of course lahat kami ay nasiyahan. Isa na namang Provincial Duty ang aming pagdadaanan. Hindi na to bago sa amin sa pagkat nakapag duty na din kami sa Batangas. Alam naming mahirap ang pagdadaanan namin, lalo na't para kaming sundalong sinabak sa giyera na wala na namang bitbit na mga armas.. Since kauumpisa pa lang ng semester na to, wala pa kaming natututunan sa Psychiatric nursing.. sapat na dahilan para kami'y kabahan kung anung kapalaran ang naghihintay sa amin. Dumating nga ang araw na hinihintay namin, ang araw bago ang aming pagalis, abala ang lahat sa pag iimpake ng mga dadalhin. Dahil sa dami ng pinapadala, 1maleta, 1bagpack at isang bag na bitbitin ang aking dala. Papunta pa lang nahirapan na ko sa pagsakay lalo na't malayo ang aking paaralan sa aming tahanan. Alas 9:00 ng umaga naghihintay ang lahat sa pagdating ng bus na sasakyan namin para maghatid sa aming destinasyon. Excited ako sa kadahilanang mararanasan ko na naman ang isang linggong kalayaan at pagiging independent. Malayo sa magulang, ikaw ang bahalang didisiplina sa sarili mo. Minsan ko lang to ma experience.


4:00 PM na kami nakarating sa Mariveles. Manghang mangha kami sa kagandahan ng lugar. Malapit yung dorm namin sa dalampasigan.. so anytime pwede naming masilayan ang dagat, ang paglubog at pagsikat ng araw. Anu mang oras pwede kaming magliwaliw at mag palipas ng oras kapiling ang mga isda at tubig. Pagmasdan ang kalangitan sa araw man o gabi. At tumingin din ng mga bituin pag sapit ng dilim.. :) Dahil sa hindi pa masyadong magkakakilala yung section namin, mapapansin mong hati kami sa dalawang grupo. ang mga dati ko na talagang kaklasmeyt at ang mga napasama lang sa amin. Hindi sila ganun kagaling makisama kaya makikita mo talagang may gap. Yun ang isang mga nakakalungkot. Magpapansinan lang dahil sa mga school works pero hanggang dun na lang yun. Pagdating namin sa dorm, unahan ang lahat kung saan ppwesto at ilalagay ang mga gamit. dahil dalawa ang kwarto, hiwalay ang mga kalalakihan sa kababaihan pero kung ako ang tatanungin mas masaya sana kung halo na lang. Excited na kami para sa kinabukasang naghihintay sa amin. Ang unang pagtapak sa Ospital para sa orientation day na inaasahan talaga sa unang araw ng duty. Kelangan naming maagang gumising 8:00am ang call time. pero kelangan namin mas agan dahil ang isang buong section ay maghahati lamang sa 5 banyo. Madaling araw pa lang bumangon na ang iba para maunang ihanda ang sarili. Syempre pila pila sa banyo. palagi ata kaming dalawa ni Juna ung huli. Sabay na din kaming naliligo tutal hindi na kami bago sa isat-isa.


Dumating nga ang unang araw, ang orientation. Sa gate pa lang iniinspeksyon na ang lahat dahil mahigpit na ipinagbabawal doon ang cellphone. Para na din sa confidentiality ng mga patient. Pagtapak ko sa hospital, wala man lang akong pressure na naramdaman. pakiramdam ko maglalaro lang ako dun. hehheh ang ganda kasi ng lugar! historical pa.. para lang kaming magpipiknik. Yung pathwalk, yung lawn,. nagpapaalala ng school ko nung highschool.. :) Pati nung pumili kami para mag flag ceremony.. nagpapaalala talaga sakin ng highschool days..


       Matapos ang flag ceremony, pumunta na kami sa designated areas para ma meet ang aming Clinical Instructor.. doon namin unang nakilala si Mr. Arile V. Reyes. wala kaming idea na magiging malaking impluwensya sya sa buhay namin. Para namin syang naging ama sa Bataan. Bihira lang ung C.I na napapaiyak kami dahil sa ma mimiss namin sya. Ang dami nyang words of wisdom na dinadaan sa metaphor.. : "Its all in the mind, At ang feeling daw ay parang isang basong tubig, habang hindi mo to binabawasan, darating ang araw na mapupuno ito at dahil dun mas lalong madaming masasayang kaya habang maaga, ilabas na daw., dapat daw maging thankful tayo sa mga taong nanakit sa atin emotionally.. kasi ginawa nila tayong stronger person. (so dapat maging thankful ako kay tutut??) Hindi daw tayo dapat mag self pity.. at marami pang iba..
       Saturday, "lakwatsa day na namin," sa halagang 100 pesos, madami na kaming napuntahang lugar. naranasan pa naming mag tulak ng tricycle! hahhahah ang ganda nag bataan.. sa totoo lang.. madaming lugar na hindi pa masyadong nadidiscover. pero breath taking ang mga sceneries.. baliwala samin ang init ng tirik na araw. Umakyat kami sa Our lady of Fatima, na lulang lula talaga ko dahil super taas.. mabuti sana kung damuhan ang gugulungan mo, pero mga batong malalaki ang naghihintay na sumalo sayo sakaling magkamali ka ng hakbang.. matapos nun, pumunta naman kami sa aming next destination.. sa beach.. maganda na mura pa ng entrance.. at ang pinakahuli naming pinatunguhan.. di ko alam tawag dun eh bsta ung may malalaking istatwa,,, plus bonus na ang hot spring  na nakakatakot dahil sa hindi masukat na lalim nito.
    Overall.. parang hindi duty ang pinuntahan namin.. kundi outing! at this time.. of all the duties I'd assigned this is the most memorable and enjoyable..


No comments:

Post a Comment

Total Pageviews