Well dami ng nanyari na hindi ko na nasusulat sayO.. but this time gusto ko ulit magsulat kasi ayaw kong makalimutan yung moments na toh.. :)
Nagvolunteer ako, kami (Juna, Charmine, Ate rhen, Regine, Kevin) ng mga classmate ko bilang medic volunteer sa Highlands Iba zambales.. That place really amazed me, kung pano yung lugar na yun tinayo saktong sakto sa function nya.. Kumpano yung mga kwarto, cr, kama, dining area ay sadyang tinayo para sa mga campers. Nakakatuwa na may mga taong handa mag volunteer ng walang bayad para lang magserbisyo sa camp na yun, para magpahayag ng salvation. Unang tungtong ko sa camp napapaisip ako kung pano sila tumatagal ng ilang bwan na hindi umuuwi sa kanila para lang magpakapuyat at magpakapagod sa camp.. anong napapapla nila??
Hindi ako mahilig makipagsocialize sa mga tao..laging gusto ko maging isolated sakanila.. para bang takot akong usigin nila ko, takot akong may malaman sila sakin ayaw kong mag open at magreach out sakanila.. Sa totoo lang ang dami kong natutunan sa camp na to.. okei din palang makipagsalamuha at makakilala pa ng ibang tao.. mas marami ka ngang matutunan sa mga kwento ng buhay nila kesa sa kwento lang buhay mo,. malalaman mo pa yung testimony nila kung pano iniba ni God yung buhay nila. Dun ko sila naumpisahang maintindihan kung bakit sila handang magsacrifice at magvolunteer sa camp.. yun ay binabalik lang nila yung generosity ni God sakanila.. yung ay para magserve kay God hindi para magserve sa tao.. Dahil sa katoliko ako hindi ako nasanay sa mga environment ng mga Christian.. sa una medyo may kakaibang pakiramdam na nagdedevotion kami pero ang sarap pala sa feeling na nakakapagshare ka din sa hindi mo kakilala. After nung camp lalong tumatag yung faith ko kay God. Alam kong si God din yung nagdala saking sa camp na yun para mas lalo akong mapalapit sa kanya..
Dumating ang araw na natapos ang youth camp.. 95 batch all in all from January to May,. Nainvite kami para sumama sa victory party.. :) June 03 umalis kami sa Balintawak ng 6:00 pm at nakarating kami sa Zambales ng 11:00pm. Sa room 5 kami nagdorm.. first time ko makapasok sa mga dorm ng campers kasi usually ung mga volunteers sa chapel nagsstay,. Mineeting kami ng Medical Directress para makilala ang iba pa naming kapwa volunteer. First time namin silang makita at makausap. Nagpakilala kami isa isa, nagshare ng mga natutunan sa camp at mga suggestion para mapaganda pa yung medic. 3:00Am na kami natapos.. bumalik kami sa dorm para manuod ng Korean Movie pero bigo kami kasi hindi gumana yung USB. Mga 4:30Am na kami natulog dahil narin sa walang katapusang kwentuhan at 6:00am bumangon para maligo at manuod ng program. 8:00 nagsimula ung program.. appreciation of volunteers ung theme.. dun pinasalamatan kami ng mga pastor at nag thanksgiving na din para sa success ng youth camp. 12:00pm umalis kami ng camp para mag beach.. nag tug of war yung mga department at team revive kami.. nakisali din ako.. :P naka 2consecutive rounds din kaming nanalo pero sa huli natalo pa din! xD 5:00pm umalis na kami sa beach pauwi na ng Manila. and it all starts there..
















