Sunday, December 25, 2011

It was the best of times, it was the worst of times..

January. I dont really remeber kung anO bang importanteng nanyari? ang naaalala kO lang sa month na toh birthday ko. bago magpalit ang 28 tska 29 kasama kO mga classmate ko.. si juna, si ella, si charm. At ang naaalala ko lang ang txt message na nagpaiyak sakin. tapos kinabukasan nagkaron ng konting handaan at ininvite ko sila Azuela. And I think yun yung pinakamalungkot kong birthday..


February. hmmm Valentines day? hehehe I spent valentines day sa ospital. (Diosdado Macapagal Memorial Hospital) sa Guagua, Pampanga. Foundation day din ng STI kasi I remember nung papaalis kami ribbon cutting ng building nila katapat lang kasi ng NBR sa Regalado. tapos eto yung month na nadepress ako sa kapalpakan ko bilang circulating nurse sa OR kung kelan second time kO na.. >.< anniversary rin pala namin.. sana..


March. panahong busy akO sa pag gawa ng scrap. as in SCRAP .. yung panahon na todo tago akO at pumupunta pa kila alona para gumawa. Graduation din ni rashid kaya umuwi si ama. tapos huling comment ni kuya vOn sa fb kO..


April. Saddest month for me. pero kahit ganun hindi kO magawang magalit sa mOnth na to dahil sa iisang taO. April last year ng mawalan akO ng ninang at April 13 ng mawalan akO ng pinsan. I vividly remember nag hahair color pa kami ni mama ng hapon tapos nung matutulog na ko ng hapon around 5:30 umiiyak si titang pumunta sa bahay at sabi wala na daw si kuya. napatayO agad akO tapos yung puso kO.. hayz! T-T pagtingin ko sa fb ni kuya von mga ilang dalawang comment yun, na rest in peace. humagulgol na ko. wala pa sila ate jul nun, pauwi pa lang sila galing tarlac. Paguwi nila dito iyakan na kami. tapos kinabukasan pumunta kaming Laguna. Naka reserve na ng ticket si papa papuntang Bicol kaya sa kalagitnaan ng burol ni kuya pumunta pa kami dun. tumagal lang naman kami ng 4days tapos bumalik agad sa Laguna..


May. Fiesta samin. Kumpleto kami wala nga lang si kuya pero ramdam namin sya. Nagparamdam pa nga sya sa picture eh. Kaliwat kanan na swimming ang nanyare dahil umuwi din si ate Jhen. 9days ni kuya nagtungo na naman kaming Laguna at usapan uuwi din agad kaso kinagabihan nagkayayaan pang mag night swimming gayong wala kaming extrang damit kahit bra at panty.. eto din yung mOnth na ginawa lang naming sampol ang Laguna.


June. Pasukan na naman. First time sa college life na hindi required samin ang summer. Siguro sindaya tlaga ni Jesus kasi alam nya yung mga pagdadaanan ko nung summer. kaso hindi pa pala tapos. June 9 nakareceived ako ng unexpected letter. Pinahamak akO ng blog kO. pero hindi kO naman mean na itago yung mga blog about sa kanya. Tinago ko lang talaga kasi gumawa ako ng blog about kay kuya von tapos pinost ko sa fb nya yung link so yung mga personal na bagay dnraft ko kasi siguradong mababasa ng mga kamag anak ko at ng ibang tao. Pero that time medyo half na lang yung sakit ganun siguro talaga pag pinaparamdam sayO yung paulit ulit na pag rereject.. masasanay ka na lang din until you will feel nothing...


July. month na kainitan ng ulo kO. yung feeling na galit ako sa mundO ayokong pinagttripan akO at inaabuso akO. Ewan ko kung bakit? Mind full of hatred month.. ang sama ko tlaga nun at wala akong taong pinagkakatiwalaan at pinagsasabihan ng hinanaing at dinaramdam. Birthday din ni Juna at napaka ulang month. Bithday din ni ate jul kaso sa Laguna sya nag celebrate. First blood donation kO din pala at meron na kOng donor card..


August. parang wala kOng matandaan sa month na toh? duty mOnth?? eto yung puro duty kami at first time kong walang kakilala na classmate ko sa group. Getting to know each other stage since ako lang ang hindi kabilang sa circle of friends ng mga kagroup kO. ako ang nakikisama sa kanila. Until yung parang kinaiinisan kong tao natutunan kong makilala at maging kaibigan.


September. Hindi kO alam pero parang may something sa month na toh na hindi ko ma explain. Sa tuwing makakarinig ako ng September may something talaga eh pero hindi ko maarok kung ano. Start na din ng BER months. tuwing Sept.1 gngreet ko na ang lahat ng Merry Christmas at sasabihin ko na ako yung unang nag greet sa kanila. September din yung Epic week kO remember? bukod sa nawrong send ako ng hindi kO naman talaga sinasadya.. nadukutan ako ng cellphone sa Quiapo, .. at ang pinakamalala nakasabay kO sya sa bus sa dami dami ng lugar sa mundo, araw, oras, at bus. Birthday din ni Karentot at halos 1 week nawalan ng kuryente samin kasabay nun nakabili kami ng sasakyan.


October. Haggard month! kabilaang exam duty, revision ng thesis at defense. pero sa kabila ng nakakamatay na mOment na yun, nagawa naming magpakasaya at manood ng showtime kahit kinabukasan ay exam. Masaya na din kahit papano nakapag unwind at nakapagbonding kaming magkakaclassmate. Iyakan month din, ilang beses ako naiyak sa paghihirap ko sa thesis ikaw ba naman magkaron ng groupmates na napakaresponsable eh ewan kO lang kung hindi ka maiyak. Yung tipong gusto mO na lang silang burahin sa title page sa sobrang kasiyahan.. Last week ng Oct. naging prize namin ang pagpunta sa FanCon ni Mario ang saya din pala pumunta sa ganun. First time kO makapunta sa PICC at 2nd time ko sa MARCH! kasama ang mga magulang! promize yan!


November. 2nd sem Last sem ng college life ko. Pero kung kelan last dun pa ko tinamad. tapos parang ayaw pa kaming papasukin ng school yung ibang ka batch namin 1 day na lang yung psok at para sa mga hindi nag summer 3 days pa din pag walang duty. Iba iba na din mga classmate namin para kaming naging ireg bigla. Mga ilang week pa lang nawala sakin yung mp ko na ilang years ko na kasama sa lahat ng moment ko sa buhay.



December. Christmas? Christmas party.. Birthday ni mama at namatay si Lola Felly nanay ni ninang precy. Pregnant si ate pero namatay si Baby. Epic year!.. this events would be my evidence na this year was really not for me. dahil ba sa New years resolution ko nun na magiging masama na kO? saddest year but there are things na dapat pa din ipagpasalamat maswerte pa din na hindi namin naranasan ang trahedya sa CDO. maswerte pa din kami na kahit papano may Christmas kaming maicecelebrate. pero wala pa din tatalo last Christmas. 


No matter how much the world changes.. there are some things you have to maintain and let go.. katulad na lang ng pag let go ko sayO..

Total Pageviews