Thursday, May 26, 2011

If One Day You Have The Courage (Yes or No OST)

With many people you pretend that you don’t love me
Do I belong together with you?
Like with our love, we must live in the shadow of the darkness
Make it to hearts business
I want to to dare
I still love you like before
There are still are ways
That it’s not too far
some day
I want you to look up at the stars
You don’t have to be shy to the sky
Through the earth
Don’t have to close your eyes
Don’t have to feel anything 
Some day
I want you to dare look at the other’s people eyes
And tell him that we are in love
There might not be people who will come to understand
It does not matter if we love each other
that’s important
If one day you will dare
Some day
I want to look up to the stars
Don’t by shy to the sky
Through the earth
Don’t close your eyes
Don’t feel anything 
I want you to dare to look at other people’s eyes
And tell him that we are in love. 

Friday, May 13, 2011

ESCAPADE TO BICOLANDIA..



        After 8 years I finally made it to came back here in Bicol.. Sa pag kakaalam kO Grade 5 pa last visit kO ditO.. Meteor Garden Era pa yun.  Mga panahOng baliw na baliw akO kay Watse Lei..  Pag dating namin dito,kila tita Melda muna kami tumuloy, nakita ko ulit yung magaganda at pogi kong pinsan .. Tapos pinasundo na lang kami at sumakay from what they call “padyak”. Kumbaga Tricycle version satin. Flashlight nga lang yung ilaw ng padyak . 30minutes ang naging paglalakbay namin mula sa Milaor hanggang digde (dito) sa Taban. Dati nagbabangka pa kami pumunta dito ngayon daw wala ng nagbabangka. Namangha agad ako sa mga tao dito, nagagawa nilang mabuhay ng simple at  payak na pamumuhay. Habang sakay sakay kami ng padyak sa gitna ng walang kailaw ilaw at mala-palayang daan,madaming mga bagay bagay ang tumatakbo sa isip ko. Ang sarap mangarap pag nandito ka kasi yung ambiance nung lugar parang nakakalungkot, parang hindi ko makita ang sarili kong tumira sa gantong lugar. Hindi dahil sa maarte akO.. feeling ko lang mamatay kasi ako sa kalungkutan.. pero in the first place pumunta ako dito para magpakasaya pero bakit ganto nararamdaman ko ngayOn?
   Parang winewelcome kami ng buwan ang ganda nya pagmasdan kasi sya lang yung bukod tanging nagliliwanag. Sabi nga ni lola sakin “si Janice parang ngayon lang nakakita ng buwan”. Hehehhe Mahilig lang talaga ko tumingala sakanila. Hindi ko mapigilan yung sarili ko.. ewan ko ba ang ganda kasi nila , sobrang sarap sa pakiramdam pag tinitignan ko sila..  Pero walang ganung star dito hindi katulad sa Bulacan kaya din siguro ko nalulungkot dagdag pa yung nawalan ako ng isa sa mga pinakamamahal kong pinsan. Naguguilty ako,  feeling ko dapat nandun ako sa Laguna at wala dito. Kung hindi lang kasi kami nakabili ng ticket hindi talaga kami uuwi dito. Si kuya pa din laman ng isip ko maya’t maya at syempre kasama na din si anu dun.. di ko din mapigilan sarili ko.. hahaha ako nga hindi naiisip nun.. tsk Life is unfair.

    Gabi na kami nakarating.. yung mga daan pamilyar pa rin sakin, matandain talaga kO sa lugar hindi sa pagmamayabang.. hehheh kahit pagod sa byahe pumunta agad kaming visita mga isang kilometro din ata mula dito. Tinignan lang namin ni papa yung naglalaro ng basketball.. may paliga kasi at ayun nga.. nagulantang ako ng isang player.. si Mr. #41 ang galing nya kasi..  pero sad to say natalo sila pero take note isa lang naman lamang ng kalaban! Kung hindi lang kasi na shoot ng kalbong yun! Over time sana.. Habang nanunuod ako naalala ko nung nasa Laguna ko, ganto yung pakiramdam ko nun, habang nag chicheer kay Mr. 11.. Iglesia ni CristO..  Naging crush ko din yun dahil din sa galing mag basketball.. Naalala ko na naman si kuya Von, kasali din kasi sya sa liga nun kahit hindi sya starting player, todo cheer ako sa kanya kahit taga takbo lang naman talaga yung role nya dun! Hehehhe Muntik nya pa ko ipakilala nun sa crush ko kasi kinabukasan pumunta sa kanila at nagpapa download ata? Ayun pinahawak sakin ni kuya von yung cp nya.. ^-^ hayz kuya..    Kanina inabangan ko ulit yung paliga, wala naman pala.. mag chicheer pa naman ako para kay Mr.#41. (Bryan pala name nya.) Wala naman palang laro.. bukas pa excited naman ako masyado, hmmm wala naman kasi magawa dito, ni wala nga kong makausap na kasing edadan ko. Tapos sa favorite kong color game hindi man lang ako manalo nalo samantalang dati ang swerte ko dun! Hayz.. pati ba naman sa laro minamalas ako…
       Nung umaga tska ko lang napansin yung mga pagbabago dito. Yung malaking bahay feeling ko ngayon maliit na, Luwang na luwang ako sa kalsada dati pero parang ngayon parang didipa na lang.. Yung harap ng bahay na dating taas na taas ako flat na, sa likod naman dati tanaw mo yung bukid, ngayon natatakpan na ng mga halaman.. yung tubig sa pampang dati lampas tao yung tubig ngayon hanggang leeg na lang.. wala na rin yung mga bangka na sinasakyan namin, Parang lahat ng bagay ngayong malaki na ko,. Lumiit.. Dati pag pupunta kami dito ang daming tao tska masaya, ngayon kami2x lang yung tao.. eto nga ang tinatawag nilang pagbabago.. nakakalungkot.. L ang ganda talaga ng buwan heheh sya lang nagpapasaya sakin.. tanaw na tanaw kasi sya dito sa kinalalagyan ko, nasa right upper part ko parang katabi ko lang sya bilog na bilog at ang liwanag..
      Natuwa pala ko sa poso kanina, ang hirap talaga mabuhay dito sabi nga ni papa dapat daw maiwan ako dito para daw eto yung maging training camp kO.. Maghuhugas ka ng plato kelangan mo magbomba sa poso, kahit maligo o maglaba. Ang mahirap pa nasa likod ng bahay yung poso so.. kelangan mong buhatin yung balde paloob.Pano naman kasi yung kapatid ko walang silbi.. naturingan pa naming lalaki sya dapat nagbobomba at nag iigib eh! Tsk Pag gabi kelangan mo pa din mag igib ang dilim pa naman walang ilaw sa likod buti na lang hindi ako takot sa mga mumu at kung anu ano pa wag lang talaga sa ipis.  Hindi ka mabubuhay ditto kung takot ka sa dilim. Naalala ko dati may balon pa dito pero hindi ko pa nakikita. Nung araw, nanghuhuli pa ako dito ng salagubang.. konting yugyog sa puno ang dami ng magsisilaglagan.. iuuwi ko pa yun hanggang Bulacan.. ewan ko lang ngayOn di ko pa nattry mang hunting.. pero kanina habang pauwi kami galing bisita, ang daming fireflies.. nagmistulang christmastree yung puno tapos sa basketball court ang dami namang gamu-gamo at ararawan dati hinahawakan ko pa yun, ngayon hindi ko na mahawakan.
    

DAY2
Ang aga namin gumising pupunta kasi kaming Naga. Pinuntahan namin yung Sm Naga, kasama yung mga pinsan ko.  Mga 1hour din siguro byahe mula dito. Nakapunta din kami sa Basilica. Yung simbahan dito na dati pinupuntahan din naming nung bata ako. May picture pa nga ko dati dun eh. Mga 2years or 3 years old pa lang ata ko nun. Ang liit pa din ng puno sa background ko nun ngayon pati puno lumaki na din. Pinicturan ulit ako ni papa sa punong yun.  Tapos namili kami ng pasalubong hindi ko nga nabilihan si ate julie eh ! di ko kasi nadala yung pera ko. Tsk ! sana pag uwi dumaan pa kami dun. Nakabalik din kami agad dito sa Taban.. walang padyak na dumadaan kaya motor yung naghatid samin dito. Ang sarap mag joyride habang umuulan.. wala kasing bubong yung motor kaya basa kami. Pag dating ditto natulog ulit ako kasi an gaga namin gumising. Alas singko na ng hapon nung nagising ako,naalala kong napanaginipan ko si.. yung setting sa tulay tapos may videoke hahhaha mukang tanga naman ako umiiyak daw ako habang kumakanta ramdam ko yung sakit kahit natutulog ako.spice girls pa nga daw yung kinakanta ko eh! hehehe.

Nagyaya ulit yung mga pinsan ko sa visita. Ang nakakatuwang part dun, may nagpapa autograph sakin. mUntanga lang! hahhaa nung nilapitan ako ni Charissa bigla naming tumakbo.. hinihingi pa yung no. ko. Kaso hindi ako interisado sa mga ganun kaya sabi ko na lang hindi ko alam no. ko. Tska nandun din si Rashid kaya hindi sila nakapalag. Nung gabi, may laro na naman sila Mr.#41 pero this time si Mr.#13 sya. And as as usual ang galing nya pa din maglaro! Kaso puro travelling ata ang violation nya ngayon? Hmmp todo cheer ako kahit hindi ko naman sila kilala hahhah at ayun talo pa din sila. Si papa nga nag coach sa team nila eh. Seryoso naman masyado si papa bumili pa talaga ng whiteboard. Sayang natalo, kulang din kasi sila sa player wala man lang pangsubstitute. Ah basta ang galing ni Bryan.. eto na din siguro huling kita ko sa kanila. Hindi ko na sila makikita ulit.

Day3 and Day4
Rainy day.. halos maghapon umulan ngayon.  Maghapon din akong nasa tent. Dahil sa labas lang ang signal ng  internet. Nagvideoke din pala kami kanina kaya siguro umulan din. Saktong pagkakanta ko umambon ! hahahha ako pa tuloy nasisi sa pag ulan. Napagpasyahan naming maligo sa ulan. Biyernes santo pa naman din bawal pala maligo. Dami kong napapayag na maligo sabay naglaro kaming buwis buhay na basketball. Ang dulas sa court kaya nagpaa kami halos yung iba nadudulas at nagpapakamatay para sa bola. Tawa ko ng tawa sa kanila nagsswimming sa court feel na feel nila. Nalalaglag na yung mga short wala silang pakialam. Pagtila ng ulan pumunta ulit kaming visita para manuod ng laro nila papa. Sa hindi inaasahang pagkakataon nakita ko ulit si Mr. 41, 13,(bryan) J taga zone 5 sya kaya madalang ko syang makiyta dito himala ko ng matuturing pag nakita ko sya.. pero nagulat ako nung nandun din sya nakaupo sa court hindi ko sya nakilala agad dumaan pa nga sa harapan ko eh! Hindi na naman ako nakapagpa autograph! Hahhaha kalaban pala nila papa yung mga kasama nya kaya pala nandun sya. Hindi na nga yung laro yung pinapanuod ko kundi sya na.. kaso pagtapos ng laro umuwi na din sya sakay ng motor. Hayz.. siguradong yun na talaga huling sulyap ko dun. Maraming salamat kila  jake, rAyan at bryan na nagpasaya sakin sa pamamagitan ng panunuod sa mga laro nilang comedy! ^-^ Mga malalayOng pinsan ko pa nga ata sila. Halos lahat dito kamag anak ko hindi lang kami magkakakilala. Salamat din sa mga batang naging kaibigan ko dito kahit ang kukulit nila at iba iba ang naging pangalan ko. Mula sa Janice naging (jan2x, jasmine, jaz,) ay ewan ko sa kanila. Pero ang saya din dito kasi alam mo yung pakiramdam na gusto ka nila iclose kasi dayo ka. Lahat gustong maagaw yung atensyon mo kaya matatawa ka na lang sa kanila. Yung iba pipicturan ka pa o magpapapicture sayo kalo mo kandidato ko dito. Pag dadaan ka sa kanila pag uusapan ka nila tatanong kung kaninong aki (anak) yan.  Tapos lahat ng taong makakasalubong mo sa kalsada mamanuhan mo. Kahit di ko kilala sige mano na lang akO! Hahaha
      Last day na naming ngayon pero hindi kami makauwi fully book na yung mga sasakyan. Chance passenger lang kami mamaya. Medyo nalulungkot na din ako, para kasing medyo nasanay na din ako dito. Ma mimiss ko yung daanan tuwing gabi sa may paliko tapos may puno na punong puno ng alitaptap.. ang gandang pagmasdan. Ma mimiss ko din sila buldoger, angel, at baki. Sayang at hindi na kami makakaabot ng fiesta ang original na plano naman talaga dito kami mag ffiesat kaso nga.. hayz. Di bale may next time pa naman dito si kuya wala ng next time. Kaso siguro mga ilang years na naman ako bago makapunta dito. 23 pala ngayon. happy bestfriend day... napanaginipan na naman kita.




  

Total Pageviews