Madaya ka..! bakit ka umalis ng walang paalam?! hmmmp! ang dami pa nating planO diba? Pano na yung promise mO samin ni ate Jul na ecOpark???! sabi mO kahit anung mangyari promise mO pupunta tayO dun sagot mo pa lahat.. Magpipicture pa tayO gamit yung SLR mO.. Sabi mO pa partner tayO nung damit na niregalo mo skin.. susuotin ko yun tapos susuutin mo din yung sayo para tayo yung mag jowa.. sabi ko naman.. kunwari ka pa may partner ka na.. anu yan pampalubag loob sakin?.. Na mimiss na kita kuya sobra! sObrang miss ka namin! yung kakulitan mO, yung mga banat mong jokes na sobrang tuwang tuwa ko.. lalo na yung nov.1 yung papara ka ng jeep! napaka bingi kasi ng manong kaya nagpapractice ka ng pumara ng malakas.. at aun nga ang o.a naman sa lakas nung bumaba tayo ng lumber!.. hindi ako makahinga sa sobrang tawa nun! hahhaha ang saya pa natin tuwing Nov. uuwi kayO dito tapos sabay2x tayOng pupunta sa puntod ni lolo.. tatambay tayo dun, gala sabay kain ng mga handang niluto ni mami.. last year share pa tayO sa platO nun hindi pa nga plato eh lunch box lang ata yun.. kulang na lang mag subuan tayO.. Naaalala kO din nung magkatabi tayOng matulog, palagi mo sakin pinapakamot yung napakalapad mong likod..! sarap na sarap ka naman kasi palaging mahaba yung kuko ko! :)
Nung First day ko sa college nun, kaw yung katext ko.. kaw yung nag aadvice sakin tutal parehas tayo ng course.. pinapractice mo pa nga ko ng mga posibleng tanong sa first day tulad ng, "bakit mo pinili ang nursing, define yourself, at kung magiging bagay ka, anu ka?" tanong mo na.. sagot mO pa.. hahahah! palagi mong pinapalakas yung loob kO pag gusto ko na mag give up.. palagi mong sinasabi na.. "sus wala lang yan.. akO nga...." sabi mO pa hindi ka nahihiya.. sinungaling! yung video mo nga sa copar mO.. habang nagtuturo ka sa mga bata halata namang nahihiya at kabado ka pa din.. but still you did a good job sabi ng mga groupmates mo.. improptu yun ah! nakz. galing talaga ng kuya kO..
Nung highschool kami, alam mo bang crush kita nun? hahahha pag nagtxt ka mag papaload agad akO.. katext ka pa namin nun nung papunta kami kila cheska.. tawa kami ng tawa sayo nila marianne at karen nung sabihin mong "pota".. hindi kasi kami sanay na "pota".. grabeh na naman tawa namin nun..
3yrs agO, nung ma diagnosed ka ng leukemia.. aplastic anemia pa nga sabi mo sakin nun, nagulat talga kaming lahat.. perO ikaw yung pinaka nagpakatatag samin, hindi mO pinakita yung mga weak sides mO.. palagi mong sinasabing okei ka lang kahit hindi na kasi mas inaaalala mo ung mga nakapaligid sayOng tao.. kahit may sakit ka na, ginagawa mo pa yung best mO, naaalala mo ung may medical mission kayO? sinasama mo pa ko nun kaso may pasok akO, jologs na jologs ka pa sa scrubsuit ayaw mong sinusuot.. at ang malupit pa dun, nagsinungaling ka kay tita.. sabi mo kila kuya philip ka lang matutulog yun pala aattend ka ng med.mission makita mo lang si joy..! perO. ang saklap pa ng naging tugon sayO.. kung alam lang nya kung anung sinacrifice mo nung araw na yun.. Lahat ng lovelife mo, naging saksi akO.. pano pag may chicks kang pinupuntirya pinapakilala mo muna sakin.. pinapaclose mo pa sakin at ipapaadd sa facebook.. nagpapaturo ka pa sakin kung panO mag edit ng picture at gagawan mo ung mga chicks mO.. ang sweet mO talaga! kahit aq ineedit mo ung mga pics kO.. naaalala mO ung pics kO sa ecOpark? kaw pa namili ng quotes na ilalagay! hahhah galeeng mO alam na alam mU din talaga ang buhay kO, sabi mO pa basta may ipapaedit akO, itagged kO lang sayo.. matik na yun.. kada edit pics mO pa, may pangalan mO sa baba na "vonskie".. Halos lahat pa ginwan mO ng graffiti.. at mahahalata namang green ang favorite mong color,. halos lahat kasi may color green.. Nung mag bakasyOn kami jan, lam mO bang yun yung pinakamasayang bakasyOn kO? naging favorite na lugar kO pa yang laguna.. sinundO mO pa kami nun sa sta. cruz! ang tagal ng hinintay mO dun, mahigit isang oras ka ata dun tapos french fries lang inorder mO, naka short ka pa.. tapos pag nandun kami ni ate jul, wala ka naman minsan kasi nag susummer ka pa nun, gabi ka na makakauwi, sayO pa kami nag susumbong pag pinapagalitan kami ni kuya frOi! hahhaa.. Ginala nyo pa kami sa lupain nyo sa Quezon.. namitas pa tayO ng kalamansi tapOs nag swimming sa dagat na hindi kO alam last day na rin pala yun ng cellphOne kO.. Nung nagswimming din tayO nun sa sitiO lUcia.. tawa kami ng tawa sayO kasi nag mOdel mOdel kang parang babOy na sirena sa gilid ng pOol.. pakembOt kembOt ka pa..
Pag umuuwi ka dito ng Bulacan, kaw palagi nanlilibre samin, samantalang ikaw ang dayO hahahha kaw kasi mayaman eh! salamat sa pag libre kuya.. sa kabagan, tig pipisong chichiria, candy at stick o.. with matching tambay sa labas ng bahay namin.. nakaupo sa tabi ng kanal nila aling tita at mag sosoundtrip sa cellphone mO,at walang katapusang kwentuhan habang nag aabang magsilaglagan ung mga bitwin sa taas naten.. tapos walang kupas na picture taking na naman.. pag nagkasawaan tska lang mag uuwian.. Ang pinakahindi ko makakalimuta nung bata tayO, since akO yung pinakabata sating magpipinsan nUn, akO palagi yung kawawa at aping api sa inyo.. ang lakas nyO mang asar nila kuya bise, kuya mac at kuya pol.. one time kila lola, kw kasi yung mayaman so kaw pa lang ung may game boy samin, kami naman pila pila manghiram sayO.. ang damot mU nun! ahahahh pero pinapahiram mo sila kuya.. samantalang akO halos umiyak na makahiram lang.. palgi mO pa kong inaasar na oink2x.. rOsa, babOy, kahit ikaw din naman tababoy!
Nung debut mO last2x year umattend kami nun kahit may bagyong undOy.. galit na galit kaya sakin si papa nun, ang dami kong narinig na masasakit na salita.. sabi kO na lang sa isip2x kO, hindi naman un ung pinunta kO, yung kasiyahan ng pag sama2x hindi naman ung sinasabi ni papa.. at kaw pa talaga nagrequest ng ireregalo ko sayO nun, yung gel ata un.. nakalimutan kO yung brand basta mousse yun eh! sinamahan pa kO ni juna bumili sa sm.. hindi kO na din binalot kasi alam mO naman na!..Pagtapos nun nandun din mga classmate mO nun, dun ata kO unang uminom ng gin, ang sarap pala.. hahhaha parang juice lang, pero ikaw bawal ka uminom so sagot mo lang ang kwento,! madaling araw na kaya si tita, umuusok na ang ilong sayO, sabi mO pa ikaw bahala kay tita, eh narinig.. aun sermOn ka sa harap ng mga bisita mO! hhaahha ginawa mO pa kaming katulong nun ni ate jUl, kami nagligpit.. tapOs di pa namin makakalimutan nung pag plantsahin mO kami ng uniform mO! hahha bOss ka tlaga eh nUh! perO kuya, kahit anu pa ipagawA mO samin, dumilat ka lang jan! ang tagal mO namang natutulOg.. aba! nasObrahan ka na.. T-T Nung umuwi tayOng Tarlac kahit patay yung pinuntahan natin tawa tayO nun ng tawa.. ngayOn bakit ikaw na yung nakahiga, hindi kami makatawa tae ka! walang nagpapatawa samin!
Hmp! palagi pa naman kitang kachat.. kaw palaging nagtatanOng anung ulam namin, umuulan ba dito.. at kung anu2x pa may mapag usapan lang.. kung alam kO lang kUya hindi na sana kO nag ooffline sa chat.. kakausapan kita at hindi na ikaw ung unang mag aapproach.. sa tuwing sinisilip ko pa naman kung sinong online ikaw palagi yung present.. pati sa pag comment sa mga emong post ni titO renan.. kaw laging nakakOntra! Lam mO din mga pinagdadaanan ng lovelife kO, sayO kO nga lang pinabasa tong bLog kO nun at sabi mO sikretO lang natin.. Palagi mO pa kong kinukulit kung may summer ba kO at magbakasYon naman ako jan para may kasama ka.. sabi mO magtitinda pa tayO, tska aakyat tayO ng bUndOk.. kUng hindi akO makakasamang umakyat, sabi mO sumama na lang ako sa inyO sa Tarlac.. maduga ka naman eh, nauna ka na.. hindi mO kO hinintay! hindi pa nga kO nakakaakyat! Sabi mO pa sabay tayOng kukuha ng board exam.. pinamana mO pa sakin tOng librO ng Funda.. sabi mO gagamitin mO pa toh!
Last na pagkikita natin last christmas.. for the first time.. kumpletO tayOng magpipinsan.. First and last christmas na pala natin nUn.. Okei ka naman nun eh.. magaling ka nga diba? anU ba talagang nangyari? Excited ka pa mag fiesta ditO kasi uuwi din sila ate jeany at siguradOng kaliwat kanan na pasyalan at swimming na naman un, sabi mO pa hindi kayO magpapaiwan ni tito at sasam kayO.. hmp! isasama ka naman eh bumitiw ka agad, nasan na yung jelly ace ni ate jhen?.. kUng sakaling makaakyat akO ng bundoK after how many years.. hindi na kita makakasama.. hinintay pa naman kita mag pagaling kaso hindi mo na kinaya.. hanggang sa huling sandali nagpapaka cool ka pa.. ayaw mO pa magpadala sa ospital kahit nilalagnat ka na kasi inaaalala mO kung may pera pa kayO.. amP! nagpadala ka kung kelan hindi ka na makahinga! buang ka talaga.. kaya pala nag paluto ka na nun ng mga favOrite mOng pagkain.. at himalang nagtrabahO ka ng mga gawaing bahay.. nakita kO pa ung schedule mO sa cp mO yung "mga gagawin para hindi palaging nakatunganga sa harap ng pc".. pati ung mga pics natin last2x year nung nOv.1 naka save pa sa cp mO kahit ang labO naman nun,. sOrry kuYa wala akOng nasabi o nagawa bagO ka mawala.. hindi kO man lang narelpyan ung comment mO nung graduatioN ni rashid.. Hindi man lang akO nakapunta jan para tuparin ung kahilingan Mong magbaksyOn akO jan para naman may makausap ka kasi bored na bored ka na.. thank you din sa lahat2x.. yan din yung mga last na sinabi mO bago ka mawala.. "kaya ko pa pero hindi na kaya ng katawan kO, thankz kuya" sabi mo kay kuta richie.. sinO ba namang hindi maiiyak dun.. hayzz..
SinO na lang pagkkwentuhan kO ng mga problema kO? Naghihired na nga kO ng kuya may matawag lang ng kUya tapos yung genuine pa yung nawala.. iilan na nga lang kayOng kuya kO.. wala ng bubuhat sakin kahit ganto na kO kalaki at kabigat.. grbeh nakakaya mO pa qng buhatin as in buhat talaga.. sinO na lang papasanan kO sa likOd? tska manlilibre sakin? wala na din mag yayaya sakin pumunta jan, anO na lang papaalam kO kay mama pag gustO kO pumunta jan? lam mU namang ikaw yung pinangsasangkalan kO dun makapUnta lang.. sabi mO pa bibilihan mO kO ng cake sa bday kO!! Wala ng mag aadvice sakin pag dating sa schOol.. cnO na lang mag eedit ng mga picture kO ng ganun kaganda? sayO kO pa natutunan kung panO gamitin yung clOne sa photoescaPe.. cnO na lang mag pipiture samin? wAla na din yung mga jOkes na nakakawalang hininga.. wala na din kOng cellphone na paglalaruan.. yUng arithmetic jan sa cp mO, kaw nga top score dun eh, galing mO talaga.. wala na kOng aagawan ng sumbrerO at kakamUtan ng malapad na likOd.. wala ng maglilibOt samin sa circle, at sa San pedro .. pati sa bahay nila ate inday at kuya philip.. hindi na tayO makukumpletO pag may 1 at nov.1 .. wala ng mangungulit sakin tungkol sa mga kinababaliwan nyang chickz.. medyO naging bitter pa kami sa last n naging babae sa buhay mO,. sabi kO pa child abuse ka.. perO hindi naman akO as in kOntra.. tapos sabi mO pag nasama ko si tina jan malaki yung prize mO sakin.. ngayong nasama na namin.. wala ka na.. :( wala na din ka tag team si titO renan sa mga jOkes.. nawalan din xa ng president sa fans club at asosasyOn nya.. wala ng mang aasar sakanya sa lOve life nya... ang daming nawala nung nawala ka.. wala ng mang aasar sakin dun sa magaling mag basketball na crush kO sa laguna.. wala na kOng ichicheer pag may paliga ng basketball jan .. kahit wala namang ibang role kundi taga takbO lang.. :) hayz kuya!!! T-T iyak tawa kO sayO! sObrang mamimiss namin yung kakUlitan mO..! okei na din siguro para hindi ka na nahihirapan sa tusOk ng karayOm jan sa likOd mO.. ginawa mO naman na lahat kasO hanggang dun na lang sigUro talaga.. WE WILL DEFINITELY MISS YOU! VON KAIZER GRAGANZA BELTRAN.. Rest In Peace kUya..






