Wednesday, February 23, 2011

Duty at Guagua, Pampanga

    This is my 3rd time for Provincial Duty.. hindi na bago sakin ang mga dapat kong dalhin at kung ano pang mga dapat iexpect ko. Dati gustong gusto ko mag provincial....  isa ng dahilan dito ay nagiging malaya ako sa mga bagay bagay.. natututo akong maging responsable sa sarili ko ng walang nag didiktang pamilya kung ano ang tama at mali.. isa pa nararanasan kong matulog kasama ang mga malalapit kong kaibgan at maglakwatsa kahit dis-oras na nang gabi.. pumili ng kakainin or kung kakain ba o hindi..
    This time sa Guagua Pampanga na assign ang section namin from February14-19,2011.. Saktong araw ng mga puso, nag aabang kami ng service ng school para ihatid kami sa aming destinasyon. Habang naghihintay kaliwat kanan ang mga magsing irog na halata namang masayang nagcecelebrate with matching chocolates and flowers pa! hahahha kelan kaya ko makakatanggap nun? naging isang malaking HURTS day sakin ang dapat sana ay HEART's day :) ..
     Pagdating namin sa Pampanga.. diretso bihis kami ng nursing uniform para sa orientation.. (patayan ito!) pagod ka pa sa byahe kelangan na namin magduty.. 9pm na ng matapos kami.. sa MS ward kami na assign na hindi na rin bago sakin dahil nasabak na din ako sa area na to sa Batangas.Pero ang mangyayari 3days lang kami sa area na yun at ang last 3 ay OR naman. Napakalaki kong tanga sa OR! 2nd time ko na pero daig pa ko ng mga first time! naging isang malaking frustration sakin! Friday pa naman nun.. my favorite day at feb.18 pa.. fav. no. minalas malas ako.. Naging palpak na circulating nurse ako sa OR! halos lahat ata ng inutos sakin mga dalawa lang ang nagawa kong tama! hayzzz. T-T at as usual iyak na naman akO! hahahaha nakailang iyak ata ko sa araw na yun, kinagabihan naman nag away away na naman ang mga kaibigan ko.. pero nagkabati din naman..
    Hindi lang naman puro kalungkutan ang naghari sa buong rotation na yun.. nakapamasyal kami sa lumubog na simbahan na pinag shootingan nila Santino.. napakatahimik ng lugar at iilan lang ang tao.. sa likod ng simbahan may wishing well.. naghulog ako ng piso at taimtim na nag wish..! (matupad kaya?) Naging tour guide at photographer namin ang aming Clinical Instructor.. hehehe si Mam. Lim.. nakakahiya sa kanya.. Tapos nun, dinala nya kami sa Bayan para bumili ng kung anu ano.. pero ang nag iisang nabili lang namin ay CD! hahahah ang layo ng dinayo namin para bumili lang ng isang CD! sa dami naming yon! nag ambagan pa kami ng 4pesos each.. tapos kinagabihan eh nag movie marathon na lang kami. Nagkakatakutan pa sa dorm.. kamusta naman kasi nakakatakot naman talaga.. 

     Last day namin may duty pa din kami.. pero IV insertion na lang.. ang galing kO! for thre first time nakapag IV insertion ako! ^__^ achievement.. tsaka hindi naman pala masakit insertan mas nasaktan pa ko sa higpit ng tourniquet ni Jaybee! pero sa bagay gauge 24 lang kasi ginamit! At yun nga.. nag pirmahan na lang ng RLE at pinauwi na kami ng C.I namin sa dorm para makapag impake na ng mga gamit pauwi!








Thursday, February 3, 2011

CRAZY LITTLE THING CALLED LOVE a.k.a FIRST LOVE

    Matapos ang isang buwang impyerno dahil sa school works, kelangan ko namang pasayahin ang sarili ko. At syempre dating gawi.. nanuod ako ng movie.. but this time, for the first time, Thai movie ang pinanuod ko.. A CRAZY LITTLE THING CALLED LOVE.
      Matagal ko ng nakita tong movie na toh sa tumblr, pero sa kasamaang palad, pinagdamutan ako ng nag post.. hindi man lang binigay yung title or yung link! I tried to search it but epic failed ako.. Until once nakita ko ulit sya.. thank you sa nag share! Tinawag ko ang pinsan ko para naman may kasama akong kiligin! hahaahah para malabas ko talaga lahat ng emosyong nararamdaman ko, ang hirap kasi pigilan.. :)
   Naka relate ako sa movie, hahhahaah Its an unrequited love story but in the end naging happy ending naman,.. it takes time nga lang.. Parang na feature sa movie na to, lahat ng mga kahihiyang ginawa mo na hindi mo maisip na nagawa mo pala ng dahil lang sa isang tao.. akalain mo yun? yeah! and I guess, that's why they entitled it A CRAZY LITTLE THING CALLED LOVE.. Nagawa nyang baguhin ang sarili nya from ugly duckling to a beautiful swan.. because of that guy. Salungat sa perception ng ibang tao na, "hindi mo kailangang magbago para sa isang tao para mahalin ka nila, kasi kung mahal ka nila tatanggapin nila kung ano ka talaga"..bakit hindi nila isiping... "because I love you, maybe I should try".. ang selfish din naman kasi kung palagi mo na lang iniisip yung sarili mo,. atska kung sa ikakabuti mo rin naman toh.. but anyway, hindi ko naman masyadong kinokontra ang mga may paninindigan na ganito, dahil ako mismo ay guilty sa mga sinasabi kO..! hahhaha Kung may magbago man sa pagkatao mo, Ikaw ay Ikaw.. Ikaw pa din yan.. besides hindi naman masamang maghangad na magustuhan ka ng tao sa kung ano ka ng walang binabagong anu man sa pagkatao mo.
       For almost 4 years, the girl in this movie secretly love this certain guy, At lahat na ng orasyon,kasabihan at mga paniniwala para mapansin at magustuhan sya ng lalaking yun ay ginawa na nya.. Ang sadyang pag pagdaan sa room para lang makita ang mukha nya, puntahan ang mga lugar na nandun sya , ang pagtawag sa phone marinig lang ang boses nya.. she even kept all the things that the guy gave him as a souvenir!kahit na napaka liit na bagay lang nyan.. yung tipong nahawakan nya lang yung bagay na yun, itatago mo na kasi big deal na yun para sayo! na kulang na lang ay ipa laminate mo pa, maingatan lang! hhaaha (nakarelate..!) Malaman nya lang ang pangalan mo o kausapin ka lang nya kahit pa walang kwentang pag uusap yan, or tumingin man lang sya sayo ay nakakakilig na yun.. kasi nga.. gusto mo sya. maliit man na bagay yan, nagiging big dahil sayo.. siguro nga love is blind.. hahhaha Lahat makakarelate sa movie at mag fflash back ang high school days nila.. Its a love story of every one.. Im sure nakarelate kayo.. at nasabi nyo na "shockz ako yun ah, ginawa ko yun".Those naughty or silly things na nagawa mo mapansin lang ng guy.

 The scene that hit me most is when Nam, and her bestfriends split up, Naalala ko ang bonggang away namin ni Karen nung kami ay second year highschool.. ng dahil din sa boyfriend nya.. honestly I cried in that scene! hahhaah One of the sad scene din is when Nam gather all her courage to confess her undying love to Shone with matching white rose.. only to be heart broken in the end dahil may girlfriend na si Shone. May gana pang magtanong si Shone na "Nam, are you alright?" nyeek? hindi ba obvious? haleer? hahhaha para kang nareject of course alangan naman maging okei ka sa alright? nakakapanghina kaya yun, lalo na't matagal mong inipon yung lakas na yun para lang masabi mo.. and for that I salute you Nam! Strong!! shet..! I felt your pain girl.. so freaking bad! ( I also in love with a guy for almost 6 years at syempre Epic failed pa din ako.. hahaha)
    All those bitter sweet memoRIES came rushing through me.. hahahha share ko ang mga silly things ko ding nagawa.. Pumapasok ako ng maaga para lang makita sya, kasi pumapasok din sya ng maaga, Tinago ko yung  limang pisong binayad nya nung nagbayad sya ng utang sakin(alam yun ng bestfriend ko) , sobrang natuwa ako ng kausapin nya ko sa canteen dahil nagpasalamat sa chess na dala ko, (take note, hindi nya masabi ang name ko, siguro hindi pa nya ko kilala nun, ang mga pages ng diary ko ay puro about him, ang mga text message sa phone ko ay puro sa kanya din, kahit walang sense pa yan o simpleng goodnight.. malamang nga kahit blank message kung hindi lang napupuno ang inbox ko eh sinave ko na, sinulatan ko ang braso?( anu ba tawag dito? basta lower arm) ng name nya gamit ang dulo ng I.D yung edge nun? yung matulis? hahahha emo? First year high school ako nun eh nasa tapat kami ng mapeh room, sa may corridor nakatambay (alam din yun ng bestfriend ko), kahit gabi na at sarado na ang loadan malapit samin, dumayo pa ko sa kabilang iskinita makapagload lang, tumakbo ko para hindi mahalata ni mama na malayo pa ang pinang galingan ko, gumawa ako ng slam book nung highschool kahit ang totoo sya lang ang gusto kong sumagot dun.. . at magpa hanggang ngayon, walang araw na hindi ko sya naiisip! kahit ayoko ng isipin,kaya nga siguro hanggang sa panaginip dala ko sya, Fact na the whole month ko syang napanaginipan, kahit ako hindi makapaniwala na pwede pa lang mangyari yun.. he always dominate my thoughts,. invading my whole world kaya lalong nagiging masakit para sakin..
    (Back to movie..) ginawa na lang siguro nilang happy ending.. 9 years later, they end up together.. Akalain mong yung taong kinababaliwan mo, yung taong iniiyakan mo or short yung taong sinisinta mo ay may gusto din pala sayo? hindi ka pa lang nagsisimula, pasok ka na sa puso nya! hahhaha sa movie, nakita kasi ni Shone yung book na "ways to get the person you love" ata yun,sabi nya "this book is funny but it makes me know how much you have tried"  tapos naka caption sa scrap book nya na "I want to tell you that you had succeeded ever since you began to do".. hahahha ang awkward kung tutuusin... pero napaka saya siguro ng ganung feeling! :) iniisip ko pa lang masaya na how much more kung totoong nanyare! hayzzz kung ganun lang kadali ang mga bagay bagay! hahhaha so happy ending nga.. which is technically hindi na unrequited love..




  In real life, unrequited love doesnt have a happy ending.. but thats life, we didnt get all what we want even if we tried hard just to have it.. that's just how things are..

Total Pageviews